Naic celebrates 215th year of foundation

Sa pangunguna ni Konsehal Berting Abad, naitakda ang isang ordinansa noong 1997 na nagsasaad upang ang Mayo 1 ay opisyal nang kilalanin bilang Araw ng Naic. Mula noon, kinilala rin ang Naik-gikan Festival na gumugunita sa makulay na pagsisimula at kasaysayan ng bayan.

Ngayong taon, bagaman masasabing higit na payak ang mga pagdiriwang kumpara sa mga nakararaang taon, masasabing masigla at masaya naman ang bayan. Sa temang “Bayang Malinis at Kaaya-ayang Tirahan ng Nagkakaisang Mamamayan,” idinaos ang ika-215 taong pagkakatatag ng Naic. Ika-27 ng Abril, ginanap ang Talent Night ng Mr. and Ms. Enviro-Naic; ika-29, ika-1nh, ang Coop Day na tinatawag, habang ika-9ng hanggang ika-2:30nu mabukasan ay ang Coronation Night sa nasabing patimpalak. Lahat ng mga aktibidad ay isinagawa sa plaza.

Pagsapit ng Mayo 1, ika-6:30nu pa lamang ay sinimulan na ang Araw ng Naic sa pamamagitan ng isang misa sa pangunguna ng kura-paroko ng bayan, Fr. Nonilon Tibayan. Matapos naman ang misang ginanap sa bahay pamahalaan, sinimulan na rin mula doon ang paradang tinawag na Grand Parade. Ruta ng parada ang mula sa munisipyo, pa-Ibayo Silangan, Poblete St, pakaliwang Zamora, pakanang Evangelista, pakanang muli sa Capt. Nazareno, papasok sa plaza. Bilang pagkakasunud-sunod, nanguna sa parada ang Marshall, pati ang DILG Family, Naic Veterans, Senior Citizens, sons & daughters of municipal officials, municipal employees, guests, NGAs, NGOs, POs, Cooperatives, Religious Organizations, Transport Groups, Academes (NAPS, Nursery and elementary Schools, CCA, ICS, WC, GCCT, Naic I, Naic II, NNHA, NCHS, CvSU), at Baranggay delegations (ABC, BTA, BSA, SKs, BPSO).

Ang parada ay agad na sinundan ng programa kung saan panauhing pandangal si Bise Gobernador Juanito Victor Remulla, Jr. Tampok din sa programa ang awarding o pagkilala sa mga mahusay na nakiisa sa parada ayon sa iba’t ibang kategorya gaya ng Best in Costume at Best Participating Groups.

Samantala, ika-8ng, idinaos ang libreng concert ng bandang Hale sa liwasang bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s