Naic celebrates 109th Philippine independence

Larawang kuha habang idinadaos ang palatuntunan para sa Araw ng Kalayaan.

June 12, 2007. Nagtipun-tipon sa liwasan ang ilang sektor sa Naic upang ipagdiwang ang ika-109 na kalayaan ng Pilipinas. Dahilan sa sakop ng baratilyo ang buong plaza, sa bungad ng plaza nagkatipon ang mga tao habang nagsilbing entablado naman ang flagpole area sa harap ng ABC Hall.

Ika-7 ng umaga nang simulan ang programa sa pagbabalik-tanaw sa mahahalagang kaganapan sa Naic na naging daan tungo sa kalayaan ng bansa. Ilan sa mga sinariwa ang pagdidisenyo ng kauna-unahang bandila ng pamahalaang rebolusyunaryo (pulang watawat na may nakangiting araw sa gitna); ang paghaharap nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio sa Casa Hacienda (Naic Elementary School ngayon), kung saan natuklasan ni Aguinaldo ang tangkang kudeta ni Bonifacio laban sa bagong tatag na pamahalaan sa Tejeros (kinikilala ng ilang historyador ngayon bilang “Acta de Naic”); at ang mga pakikipaglaban ng mga Caviteño sa mga Kastila sa tulay ng Timalan at kabayanan. Pasalitang inilahad ang mga nabanggit habang sinaliwan ng akmang tunog o musika.

Upang balikan ang araw ng kalayaan, isang mang-aawit ng Naic ang nanguna sa pagkanta ng “Lupang Hinirang.” Sabay namang itinaas ang bandila ng Pilipinas sa mga flagpole sa ABC Hall at sa may Cavite Community Academy (CCA).

Hindi nakadalo si Mayor Efren Nazareno sa programa. Gayunman, sa ilang pananalita ng mga kasama, tinalakay ni Konsehal Macario Pardo ang pagmamalabis ng ilan sa kalayaang minana. Aniya, patuloy ang korupsyon sa pamahalaang pambansa, na gayunman ay sinisikap naman nila sa pamahalaang lokal ang maayos na paglilingkod sa bayan. Bilang halimbawa, binanggit ng konsehal na mula third class, naging first class municipality na ang Naic sa panahon ng kanilang panunungkulan. Idinagdag pa ng konsehal ang posibilidad tungo sa pagiging isang syudad o lunsod ng Naic.

Binigyang diin naman ni Vice Mayor Jun Dualan na dapat ipagmalaki ng mga taga-Naic ang pagiging anak ng bayan. Kaugnay ito ng malaking papel na ginampanan ng Naic tungo sa kalayaan ng bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s