Crater on Mars named after Naic

Sa patuloy na pangangalap ng NAIC CAVITE ONLINE sa anumang may kaugnayan sa bayan, isang paksang astronomikal ang nasumpungan. Bagaman mahigit 30 taon na ang bagay na ito, tiyak na maraming Naicqueno pa rin ang hindi nakaaalam: ang kwento ng Naic na mula rito sa daigdig ay nananatili na rin sa ibang planeta sa kalawakan.

***

Sa libu-libong crater o ukang nasa planetang Mars, apat dito ay mula sa pangalan ng mga bayan sa Pilipinas: ang Camiling (ng Tarlac), Daet (Camarines Norte), Solano (Nueva Vizcaya), at Naic (Cavite).

Kagaya ng tatlong crater na may pangalang bayan sa Pilipinas, ang “crater Naic” o ukang Naic ay sinasabing nabuo mula sa pagsalpok ng maliit na asteroid o kometa sa Mars may daang-libo o milyong taon na ang nakararaan. Ayon pa sa artikulong mula sa ManilaStandardToday.com, ang ukang Naic ay may lawak na 8.3 kilometro. Matatagpuan din umano ang ukang Naic sa malawak at mababang kapatagan ng Mars na tinatawag na Elysium Planitia. Sa pagsasama-sama ng ilan pang datos sa iba’t ibang sanggunian, tiyak naman umanong matatagpuan ang ukang Naic sa 24.5-24.7 hilaga, 252.8 kanluran at 107.4 silangan ng Mars, sa bahagi ng Syrtis Major hemisphere.

Ayon sa panuntunan ng International Astronomical Union’s Working Group for Planetary System Nomenclature (WGPSN), na siyang nangangasiwa sa mga gawain gaya ng pagpapangalan ng mga uka sa mga planeta (mula pa rin sa artikulong nasa ManilaStandardToday.com), ang mga maliliit na uka sa Mars ay ipinangalan sa maliliit na bayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo na may populasyong ‘di hihigit sa 100,000. Pinagtibay naman ng IAU’s General Assembly na ganap na ipangalan sa Naic ang uka noong 1976.

Sa paliwanag ni Dr. Kaare Aksnes ng University of Oslo’s Institute of Theoretical Astrophysics sa Norway, na siya ring pangulo ng WGPSN, “We strive to achieve a good international distribution of village names, and we prefer names that are short and easy to spell… Otherwise, the names are chosen randomly with no regard to the history or identity of the villages. In a sense, the more anonymous a village is, the more suited it is for use on Mars, since our purpose is not to commemorate these places, but to use their names to aid our orientation on Mars.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s