Sundog shines over Naic

Ang tinutukoy na sundog kuha mula sa Bucana Malaki.

Marso 26, 2009 (Huwebes). Namangha ang mga estudyante nang matunghayan ang isang naiibang anyo ng araw.

Sa pag-itan ng alas-10 at alas-11 ng umaga, nakuha ang atensyon ng ilang high school students nang mapansing may kakaiba sa araw. Halos sabay na napatingala ang mga estudyante ng Naic National High School sa Halang at ng Cavite State University – Naic Campus sa Bucana Malaki. Namangha ang mga estudyante nang mapunang may bahagharing nakapabilog sa paligid ng araw.

Dala ng pagkamangha, may ilang estudyanteng sumubok na kuhanan ng larawan ang araw gamit ang kani-kanilang mga cellphone camera. Sa Halang, isang shades ang pinagpasa-pasahan ng mga estudyante upang hindi masaktan ang mga mata habang tumitingala sa sinag ng araw.

Batay sa Wikipedia, ang pabilog na bahaghari sa palibot ng araw ay tinatawag na “sundog” o “parhelion.” Ang penomenong ito ay mai-uugnay umano sa repleksyon o repraksyon ng sinag ng araw sa mga mumunting kristal ng yelo na nasa kaulapan.

Para sa ilang matatandang nakapansin sa naiibang araw, hudyat umano ng parating na ulan ang penomenon sa kalawakan. Kapuna-punang umulan sa umaga at kinabukasan matapos matunghayan ang sundog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s