Netizens confused over class suspension in Naic

August 8, 2012. Matapos ang halos tatlong oras na pabagu-bagong anunsyo hinggil sa suspensyon ng klase sa Naic bukas, ganap nang nasuspinde ang pasok sa bayan.

Bandang 6:30PM, nakapaskil sa Official Gazette of the Republic of the Philippines Website na kabilang ang Cavite sa mga lalawigang suspendido ang klase para sa kinabukasan, Agosto 9. Kaagad na kumalat sa Facebook ang ukol sa suspensyon. Sa Twitter, nanawagan ang account ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa Official Gazette, “@govph Kindly check your list. It includes CAVITE but the Governor has not announced anything yet. Thanks. [ADMIN].” Kapagdaka ay nabura ang Cavite sa talaan ng mga walang pasok. Humingi ng paumanhin ang Official Gazette, “@mevacamille @jonvicremulla We are correcting our information on suspension announcements. Apologies for the inconvenience.”

Pasado 8:00PM, nagpalabas ng pahayag sa Twitter at Facebook si Gov. Remulla. Sa kanyang Twitter, sinabing “THERE WILL BE CLASSES TOMORROW. Except in BACOOR, ROSARIO, CAVITE CITY, KAWIT AND NOVELETA.” Idinagdag ring “Government work will resume as usual. Thank you.” Kaagad na inihayag ng mga local Facebook Fanpages ang balitang ito na nakarating at itinext na ng daan-daang Naicqueno.

Wala pang ilang minuto ang nakalilipas, ipinaskil ng Official Gazette Facebook na suspendido na ang klase sa Cavite. Ayon sa Official Gazette, “Memorandum Circular 34 has just been issued by Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr., suspending all classes on August 9, 2012 in all levels—including postgraduate courses—in the following areas: the National Capital Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Bulacan, Laguna, Cavite, and Rizal. There will be work in national government and private offices. A full version of M.C. 34 is forthcoming.”

Nadama ang kalituhan sa marami matapos umagos sa Facebook ang mga katanungan kung may pasok ba talaga o wala sa Naic. Ilang minuto ay muling naglabas ng anunsyo ang gobernador. Ayon sa kanyang Facebook, “In conformity to Malacanang’s announcement, classes IN ALL LEVELS in the ENTIRE PROVINCE OF CAVITE are SUSPENDED for August 9. Thank you.” Sinusugan ito ng iba pang anunsyong inihayag ng mga Facebook at Twitter account ng iba’t ibang media networks. Inihayag na rin sa telebisyon ang suspensyon.

Hupa na ang kalituhan ng mga Naicqueno. Sa huli, suspendido ang klase sa buong lalawigan ng Cavite—lahat ng antas, pribado at pampubliko—bukas.

2 thoughts on “Netizens confused over class suspension in Naic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s