San Isidro Labrador church in Naic declared as independent parish

Setyembre 4, 2012 (Martes). Matapos ang ilang taon bilang isang quasi-parish, ganap nang idineklara ang Simbahan ng San Isidro Labrador bilang isang nagsasariling parokya.

Ang Simbahan ng San Isidro Labrador na matatagpuan sa San Roque, Naic, Cavite.

Bandang ika-6 ng umaga nang isang “Lakad Pasasalamat” ang isinagawa sa San Roque. Nagtipun-tipon ang sambayanang sakop ng San Isidro Labrador na mga naka-Filipinianang kasuotan. Pangunahing kalahok sa naturang paglakad ang iba’t ibang samahang pansimbahan ng San Isidro Labrador.

Idinaos ang Misa Concelebrada pagsapit ng ika-9. Dinaluhan ng may 60 mga pari ang banal na pagdiriwang. Kaisa rin sa gawain si Cavite Bishop Emeritus Manuel C. Sobreviñas. Pinangunahan naman ni dati ring Obispo ng Cavite, ngayon ay Arsobispo ng Maynila, Lubos na kagalang- galang Luis Antonio Tagle ang misa. Dumagsa ang sambayanan sa simbahan.

Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng buong umagang gawain sa Simbahan ng San Isidro Labrador ang ganap na pagdedeklara rito bilang isang nagsasariling parokya. Binasbasan din ang panandang nagpapatunay sa deklarasyon. Matatagpuan sa harap ng simbahan ang naturang pananda. Dating coordinator ng quasi-parish, itinuturing ngayon bilang kauna-unahang kura-paroko ng San Isidro Labrador si Fr. Orlando Jimenez.

Ayon sa pananda, “Sinimulan ang pagpapatayo ng gusali ng simbahang ito noong taong 2006 sa pamamahala ni Reb. P. Eleomer G. Dendiego hanggang taong 2009. Ang lupang kinatatayuan ng simbahan ay ipinagkaloob ng magkapatid na Matea at Justita Nazareno Lopez. Ipinagpatuloy ng sambayanan ang pagtataguyod ng pagawain sa pangunguna ni Reb. P. Orlando A. Jimenez hanggang sa ito ay mabuo ng taong 2012. Ipinahayag bilang isang Ganap at Nagsasariling Parokya ng Lubhang kagalang-galang Luis Antonio G. Tagle, D.D., STD, Arsobispo ng Maynila sa taon ng Ginintuang Jubileo ng Diyosesis ng Imus, ika-4 ng Setyembre, 2012.”

Natapos ang mga gawain sa simbahan bandang ika-12 ng tanghali. Nagsalu-salo ang sambayanan sa tanghaliang ginanap sa katabing King’s Way Christian Academe. Ilan sa mga dumalo sina Governor Jonvic Remulla, Mayor Edwina Mendoza at Vice Mayor Jun Dualan.

Sa pangkalahatan, inilarawan ni Kevin Alano, sakristan sa San Isidro Labrador, ang mga gawain bilang “maganda, masaya at matagumpay.”

Bahagi ng mga nasasakupan ng Simbahan ng San Isidro Labrador ang Palangue, Calubcob, Halang, San Roque, Malainen, Molino, Muzon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s