Boa found in Bucana Sasahan, Naicqueno calls for rescue

Setyembre 27, 2012 (Huwebes). Isang sawa ang natagpuan sa Bucana Sasahan at kasalukuyang hinahanapan ng mapagdadalhan upang lubusan na itong masagip.

Ang sawang natagpuan sa Bucana Sasahan at kasalukuyang hinahanapan ng ligtas na mapagdadalhan.

Sa pakikipag-ugnayan ni Thadeous Dailan sa Naic Cavite Online (NCO), ipinagbigay alam na isang sawa ang natagpuan sa tahanan ng pamilya Binsol sa Bucana Sasahan. Layong masagip ang ahas, ayon kay Dailan, “saan ko po pwede iturn over ang mga nahuling ‘wild’ animal, may roon po kasi ditong nahuling sawa. nairemind ko na po yung mga tao na huwag patayin.”

Sa pakikipag-ugnayan ng NCO sa Municipal Environment and Natural Resources Office ng Naic, ipinayong dalhin ang sawa sa Cavite City Zoo na di umano ay accredited ng Protected Areas and Wildlife Bureau.

Habang walang katiyakan kung maililipat ang ahas sa Cavite City Zoo, nagpa-abot din umano ng liham si Dailan sa “People for the Ethical Treatment of Animals” o PETA. Patuloy pa rin ang paghahanap ng paraan upang madala sa tamang magkakalinga ang sawa.

Tinatayang may 30 sentimetro, nasa walong buwan hanggang isang taon ang ahas. May sugat umano ito sa kaliwang mata bagaman inilarawang agresibo. Pansamantala itong nananatili sa tahanan ng pamilya Cayas sa Bucana Sasahan. Huli umano itong pinakain ng bubuwit noong gabi ng Biyernes, ika-9 ng gabi.

Sa mga nais tumulong upang masagip ang sawa, makipag-ugnayan kay Dailan sa numerong 09063360852.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s