Hundreds of Naicqueños benefit from “Balikatan medical mission”

Oktubre 17, 2012 (Miyerkules). Daan-daang Naicqueño ang nabigyan ng libreng konsultasyon at lunas sa isang medical-dental mission na inilunsad ng isang local online community sa Naic.

Isang tagpo sa medical mission sa Bancaan na nakapagbigay ng libreng konsultasyon at lunas sa may 336 na mga taga-Naic.

Sa loob ng ilang linggong paghahanda at pananawagan sa Facebook, nairaos ang isang medical-dental mission na pinangunahan ng fanpage na “Balikatan sa Naic Cavite.” Pangunahing nakatuwang ng Balikatan ang mga lokal na pamahalaan sa pangunguna ng mga pinuno ng lalawigan at bayan. Kaisa sa proyekto sina Governor Jonvic Remulla,  Mayor Edwina Mendoza, Vice Mayor Jun Dualan, ABC President Anita Carta, Ibayo Silangan Councilor Sonny Jay Nazareno, at former Board Member Hilda Mendoza. Ilang indibidwal din ang kaisa sa proyekto gaya ni Mhaye Rodriguez.

Isinagawa ang medical-dental mission sa Bancaan Covered Court na dinaluhan ng mga residente hindi lamang sa baryo kundi sa iba pang karatig na baranggay. Isang araw bago ang mismong misyon, nag-ikot sa mga baryo ang Balikatan upang manawagan sa mga nais magpakonsulta sa gawain. Ayon sa talaan, natulungan ng misyon ang may 336 na mga bata at matatanda mula sa Labac, Mabulo, Bancaan, Bagong Karsada at Bucana Malaki. Tumagal ng halos buong araw ang gawain.

Natulungan ng medical and dental mission ang may 336 na mga bata at matatanda mula sa Labac, Mabulo, Bancaan, Bagong Karsada at Bucana Malaki.

Ang medical-mission ay ang ikalawang proyekto ng Balikatan matapos ang unang relief operation para sa mga nasalanta ng unos sa Naic nitong Agosto. Ang Balikatan ay nabuo matapos magkaisa ang mga administrator ng iba’t ibang local fanpages sa Naic: Taga Naic Cavite Kami, Naic Cavite Online, at Balitaktakan sa Naic. May 17 kasapi ang Balikatan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s