Naic Pawikan Task Force holds info dissemination activities in coastal villages

Oktubre 20, 2012 (Sabado). Sa nagdaang linggo, halos araw-araw na nagsagawa ng mga pulong at panayam sa iba’t ibang baryong kostal ang samahang nangangalaga sa mga pawikan sa Naic.

Ang mga mananalaba at ilang taga-baryo ng Timalan Balsahan habang nagpupulong upang talakayin ang pangangalaga sa pawikan sa Naic.

Sa pagsasama-sama ng ilang kasapi ng Naic Pawikan Conservation Project (NPCP) gaya ng Department of Environment and Natural Resources – Protected Areas and Wildlife Bureau (DENR-PAWB), Cavite State University – Naic (CvSU-Naic), Sabrina Fair, at Local Government Unit ng Naic, apat na araw na pinulong ang mga taga-tabing dagat ng bayan. Tinipon upang turuan ng mga pangunahing kaalaman ukol sa pawikan ang mga taga-Timalan Balsahan (Martes), Munting Mapino at Bucana Sasahan (Miyerkules), Bagong Karsada at Bucana Malaki (Huwebes), at Bancaan at Mabulo (Biyernes).

Pinangunahan ng DENR-PAWB ang pagtuturo ukol sa mga uri, buhay, pangangalaga, batas at ilan pang kaugnay hinggil sa mga pawikan sa Pilipinas. Nagbahagi rin ng sariling karanasan ang isang taga-Labac kung saan isang taon nang masigla ang pangangalaga sa mga pawikan. Iniulat naman ng CvSU-Naic ang kalagayan ng mga pawikan sa kontekstong lokal. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo upang linawin ang ilang katanungan patungkol sa pawikan. Tinatayang higit 100 ang lahat ng nabigyan ng kaalaman ukol sa nabanggit na wildlife o buhay-ilang. Kalimitan sa mga dumalo ay mga mangingisda at mga may katungkulan sa baranggay.

Sa loob lamang ng halos isang buwan mula nang magsimulang magbantay ang mga taga-Labac para sa pagsisimula ng panahon ng pangingitlog, limang inahing pawikan na ang nasumpungang nag-iwan ng mahigit 600 itlog sa buhanginan ng naturang baryo. Inaasahang marami pang mapapangalagaang pawikan at mga itlog lalo at marami na ang nagpahayag ng pakikiisa sa iba pang baryo.

Ang Pawikan Seminar na ibinibigay ng DENR-PAWB sa baryo ng Munting Mapino. Pangunahing dinaluhan ng mga opisyal ng Munting Mapino ang gawain.

Pagnanakaw ng itlog upang kainin ang pangunahing suliranin sa konserbasyon ng mga pawikan sa Naic. Sa pakikipanayam nitong nagdaang linggo, natuklasang isang taga-Mabulo ang nag-uwi ng mga bagong itlog sa Bucana Malaki upang ilipat umano sa hatchery sa Labac. Wala pang isang buwan nang mangyari ang insidente. Patuloy namang pinaiigting ng NPCP ang pagpapakalat ng kaalaman ukol sa gawain.

Ang NPCP ay nagsimula noong isang taon kung saan mahigit 1,700 na bagong pisang pawikan ang pinakawalan sa dagat. Malaking bahagi nito ay natagpuan sa Labac, kasama ang isang pugad na nasumpungan sa Bancaan.

Samantala, kinikilala na ng national government ang Naic bilang pang-11 sa mga nangangalaga ng pawikan sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s