Naic joins global efforts to help Yolanda victims

Nobyembre 13, 2013 (Miyerkules). Kaisa ang Naic sa pagtulong para sa mga nasalanta ng pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng daigdig.

Matutunghayan si Prof. Loreta Perea ng Bucana Malaki habang nagdarasal sa simbahan ng Tacloban City. Kuha ito ilang araw bago nanalasa ang super bagyong Yolanda sa Visayas. Wasak na wasak na ngayon ang simbahang ito.

Naantala lamang kanina dahil sa masamang panahon, ililipad sa Sabado sakay ng C1-30 ang relief at pwersa ng pamahalaang Cavite na tutulong sa mga binagyo sa Samar at Leyte. Dalawang taga-Naic na kawani ng Provincial Social Welfare Development ang kasama sa pupuntang Visayas dala rin ang mga paunang tulong na nakalap sa mga taga-Naic. Sa halos isang gabi, nakalikom ng may 3,900 pesos sa Naic si Emerie Kris Nepomuceno na ibinili niya ng mga pagkain para sa Kabisayaan. Bukod sa ilang kaibigan, malaking bahagi ng kanyang natipon ay mula sa mga guro ng Naic Elementary School. Ipinadala na rin umano ng principal, G. Felino Sidocon, ang mga bago at walang may-aring jogging pants ng paaralan. Ang isa pang kawani na si Rhea Bernal, dala naman ang mga sulat ng ilang taga-Naic upang magbaka-sakaling masusumpungan ang mga kamag-anak ng mga ito sa Leyte.

Nasa 80,000 piso naman ang agad na natipon ng pamahalaang Naic mula sa mga opisyal at kawani nito. Bukas din ang Munisipyo para sa iba pang handang mag-donate, na bukod sa pera ay nananawagan din ng mga gamot, pagkain, tubig, kumot, kulambo, damit at iba pa. Katuwang umano ng pamahalaang lokal ang ABS-CBN Sagip Kapamilya sa pagtulong na ito.

Kani-kanyang paraan din ang ilang negosyo sa pagtulong sa mga nasalanta ng super bagyo. Naglagay ng alkansya ang cellphone accessories and repair shop na Erichvern sa Rosie’s mall para sa sinumang handang maghulog. Inihayag naman ng milk tea shop na Tea.Ka.Muna sa Capt. C. Nazareno na ipantutulong nila ang kikitain sa darating na Biyernes. Ganito rin di umano ang gagawin ng Banahaw Spa Naic para sa kikitain nila sa darating na Sabado.

Panalangin ang pangunahing ambag ng iba’t ibang simbahan para sa mga kababayang nasalanta. Bukod dito, mangongolekta umano ang Knights of Columbus upang makatulong. Bagaman sa Maynila naman ang simbahan, nagpadala rin ng tulong ang mga miyembro ng Cathedral of Praise (COP) na taga-Naic. Naipaabot na sa Visayas ang tulong mula sa COP.

Hindi rin nagpahuli ang netizens ng Naic sa pangangalap ng tulong. Kaagad na naglunsad ng panawagang tulong ang Balikatan sa Naic, Cavite para sa mga handang magbigay. Ipadadaan ng Balikatan ang tulong sa Philippine National Red Cross. May panawagan din ang samahang Balitaktakan sa Naic na isasama naman nila sa malilikom ng Munisipyo. Wala ring tigil ang pagshe-share ng mga taga-Naic hinggil sa iba’t ibang paraan kung papaano makatutulong.

Bukod sa ilang indibidwal, aktibo sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Cebu ang taga-Naic na si Israel Garcia. Partikular na nakikiisa si Garcia sa iba pang international volunteers upang matugunan ang mga pangangailangan sa Bantayan Island kung saan 96% na bahagi nito ang apektado ng bagyo.

Magpapadala rin ng tulong ang Naic Cavite Online.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s