GMA shoots news station ID in Naic

Sa mahabang kasaysayan ng Naic, maraming programang pantelebisyon, commercial at pelikula na ang kinunan sa iba’t ibang bahagi nito. Subalit ngayong 2013, isang station ID ang kinunan sa Naic na itinampok hindi lamang ang lugar, kundi maging ilang karaniwang mamamayan nito.

Ang mga reporter ng GMA News habang kinukunan para sa kanilang station ID.

Ang mga reporter ng GMA News habang kinukunan para sa kanilang station ID.

Hulyo 13, 2013 (Sabado). Umaga nang buong pwersa ang GMA News and Public Affairs ang nag-shooting sa iba’t ibang bahagi ng Bucana Malaki. Isang tagpo ang kinunan sa aplaya kung saan background ni Mel Tiangco ang mga mangingisda at mamimili sa pandawan. Sama-sama naman ang halos lahat ng kilalang reporter ng GMA 7 na umawit ng Lupang Hinirang sa Cavite State University – Naic.

Sinasabing ilang tagpo pa ang kinunan sa Bucana Elementary School at ilang bahay sa baryo. Bukod sa mga mangingisda, nakasama rin sa shooting ang ilang mga bata at mag-aaral ng Bucana. Sa mahabang oras na inilagi ng mga reporter, nagkaroon ng pagkakataon ang marami sa Bucana upang makipagkumustahan at litratuhan sa kanila. Daan-daang shares and comments ang inani ng usaping ito sa Facebook.

Habang naniniwala ang marami na sa isang news or station ID gagamitin ang mga eksena, “secret project” pa raw muna umano ang kanilang ginagawa ayon sa isang production staff. Kabilang sa mga natunghayan ng Naic Cavite Online na kasama sa proyekto ay sina Kara David, Jiggy Manicad, Joseph Morong, Chino Gaston, Emil Sumangil, Rhea Santos, Ivan Mayrina, Mark Salazar, Ruth Cabal, Tina Panganiban-Perez, Oscar Oida, Cesar Apolinario, Connie Sison, Mariz Umali, Raffy Tima, Lhar Santiago, Jun Veneracion, Lei Alviz, Maki Pulido at Nathaniel Cruz.

Samantala, ika-2 ng Agosto nang ilunsad na sa programang 24 Oras ng GMA ang bagong music video ng News and Public Affairs ng istasyon. Sa isang ulat ni Kara David bago ang pagtatanghal sa kanilang bagong video, ipinakita pa ang mga tagpo sa likod ng pagbuo sa proyekto. Iniulat sa balitaan na ang Naic ang isa sa kanilang mga lokasyon.

Hanggang sa kasalukuyan, isinasahimpapawid pa ang video o station ID na iyon ng GMA News and Public Affairs sa GMA Channel 7 at GMA News Channel 11. Tinatawag nila itong “Panata sa Bayan.”

One thought on “GMA shoots news station ID in Naic

  1. This surely puts Naic, Cavite on the map, plus the province that nurtured the Bonifacio brothers in their quest for Philippine freedom from Spain’s tyranical rule is unrivaled in historical context.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s