Naic parks, streets, buildings get makeover

Milyun-milyong piso ang tinatayang ginugol at patuloy na ginugugol ng pamahalaang lokal para sa mga pagawaing bayan ngayong 2013.

Ang kasalukuyang anyo ng binagong Lovers' Park (ABC Hall) sa poblasyon ng Naic.

Ang kasalukuyang anyo ng binagong Lovers’ Park (ABC Hall) sa poblasyon ng Naic.

Habang ang unang yugto ng taon ay nasa ilalim pa ni Mayor Edwina Mendoza, ang paglalagay ng CCTV camera sa poblasyon ang maituturing na isa sa mga natatanging pagbabago sa kabayanan. Matutunghayan din sa administrasyong Mendoza ang pagpapatuloy ng mga proyektong pagawain sa mga baryo at ilang kanayunan.

Bakas na bakas naman sa panunungkulan ni Mayor Junio Dualan ang pagbabagong mukha ng poblasyon dahil sa pagsasabagong-anyo ng Lovers’ Park o higit na kilala bilang ABC Hall. Pinasimulan ang pagawain noong ika-4 ng Nobyembre at inihabol matapos hanggang pistang bayan. Sa mga ulat ni Mayor Junio Dualan sa Naic, sinabi niyang ilalapit o ihahalintulad sa disenyo ng simbahan ang bagong bihis na Lovers’ Park. Paraan umano ito ng pamahalaang lokal upang maganyak pa ang mga turista na dalawin ang bayan.

Bahagi pa ng mga ulat ni Mayor Dualan, isinagawa o di kaya ay nakalinya na umano ang pagsesemento ng daan sa Ibayo Silangan patungong palengke, pagpapagana sa grand central terminal, paglilipat ng isang gusali ng pamilihang bayan sa loob ng terminal, multipurpose hall sa Bucana Elementary School, mga silid-aralan sa Sabang Elementary School, dalawang silid-aralan din sa isang paaralan sa Villa Apolonia, pag-aaspalto sa poblasyon, pagsesemento ng daan sa Kalye Seaman sa Bancaan, pagpapaayos sa plaza, pagpapalapad ng daan sa Sabang at Malainen, at pagbabagong mukha ng munisipyo upang makatawag pa ng ibang mga magnenegosyo.

 

One thought on “Naic parks, streets, buildings get makeover

  1. sana sa sususnod naman po makamit namin ang inaasahan naming multi purpose sa mabulo elemenary school… dahil matagal na pong hinahangad ng mga kababayan nyo sa lugar na un lalo na ng mga magulang at mga batang magsisispagtapos dahil pag graduation dahil sa walang maayos na hall nagtitiis sa gingawang bubong n nga lona na kung minsan ay pinagtagpi tagping sako… sana po madinig ni mayor ang aming kahilingan… salamat po..

    http://thepcaa.org/tags/zombie

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s