Thieves attack houses, business establishments, schools

Nakawan ang isa sa mga kinatakutan at pinag-usapan sa Naic nitong 2013.

Ika-5 ng Oktubre, madaling araw, nang sumalakay ang magnanakaw sa tinatawag na Daang Hari sa Ibayo Silangan. Sa ulat na nakalap ng Naic Cavite Online (NCO), bandang alas-2 umano ng umaga nang ikinagising at ikinagulat ng marami sa lugar ang biglaang pagkawala ng kuryente. May isa umanong magnanakaw ng kawad ang natunghayan subalit nakatakas din ito. Maraming bahayan ang nawalan ng kuryente sa Ibayo.

Tinatayang dalawang linggo ang lumipas, muling namerwisyo ang magnanakaw sa Daang Hari matapos muling magnakaw ng mga kable sa lugar. Tatlong bahay ang agad na nawalan ng kuryente dahil sa insidente. Idinadaing ng mga nananakawan ng kable ang perwisyo at gastos na dulot nito sa kanila.

Hunyo 3, ika-3 ng madaling araw, nang pasukin naman ang isang bahay sa Daang Hari pa rin. Nakita at nakasigaw lamang umano ang maybahay kung kaya tumakas ang magnanakaw. Dumaan sa bintana ang kawatan.

Kaugnay nito, Agosto nang tanggapin din ng NCO ang ulat na sunud-sunod umano ang nakawang naganap sa Timalan. Ayon sa mismong nanakawan, kinuha sa kanila ang isang buong garden set na ang mga silya at lamesa ay yari sa bakal. Pinasok din umano ang bahay ng kanilang kapitbahay na walang nakatira, sa pamamagitan ng pagbutas sa pader ng bahay. Nanakawan din umano ang isang paaralan at isang resort sa baryo. Mula umano noon ay hindi na siya nakakapagkatulog kung gabi. Pailaw sa madilim na Timalan ang panawagan ng mga taga-roon.

Naitala rin ng NCO ang talamak na nakawan sa Santulan kung saan ninakaw sa ilang kabahayan at establisyamento ang ilang laptop, upuang bakal, mga alagang manok at pati na halaman. Isang traysikel naman ang ninakaw rin kamakailan sa Mabulo.

Habang nananawagan ang mga biktima sa mga kinauukulan sa baranggay at bayan, pagbabantay rin sa kani-kanyang gamit ang ipinayo naman ng isang kagawad ng baryo. Inulan naman ng batikos sa internet ang mga tanod at opisyal ng mga baranggay dahil sa di umano pagganap sa kani-kanilang mga tungkulin. Dumipensa naman ang ilang inaakusahan na sa lawak ng kanilang mga nasasakop, imposible umanong mabantayan ang bawat sulok nito sa bawat sandali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s