Widespread power outages hit Naic in 2013

Sa kasalukuyang panahon, ang Manila Electric Company o Meralco ang tanging distributor ng kuryente sa Naic. Maliban sa mga pagkaputol ng kuryente dahil sa mga bagyo nitong nakalipas na mga taon, huling dinanas ng Naic ang madalas na pagkawala ng supply sa kuryente noong pasimulang panahon ni Pangulong Fidel Ramos. Kaya naman, maituturing na abala at halos hindi na pangkaraniwan tuwing mawawala ang supply ng kuryente sa Naic ngayon. Nitong 2013, makailang ulit na naputol ang linya ng kuryente sa bayan.

Tagpo nang maghapunan sa tahanan nina Rica Odvina nang mawalan minsan ng kuryente noong Nobyembre 2013.

Mayo 8, 2013 (Miyerkules). Kasama ang Naic sa nakaranas ng malawakang brownout sa Luzon mula 6:30 PM na tumagal nang mahigit tatlong oras. Pangunahing idinaing ang matinding init na nagpatagaktak ng pawis ng marami. Bagaman mabituin, walang buwan kung kaya lukub na lukob ang dilim sa buong bayan. Pangunahing ilaw ang mga kandila, gasera at emergency lights. Mabibilang ang nagpagana ng generator ng kuryente na kalimitan ay malalaking establisyamentong pang-negosyo. Habang salot sa ilan ang pagkalat ng mga insekto gaya ng ipis sa dilim, magandang panoorin naman ang mga bulalakaw sa kalawakan. Ito ang unang pinakamatagal na brownout sa Naic nitong 2013. Ayon sa Interaksyon.com, maaari umanong ang nagka-aberyang generating unit ng Calaca coal power plant ang sanhi ng brownout.

Mayo 13, 2013 (Lunes). Patanghali at araw ng halalang bayan nang may isang oras na nawala ang kuryente sa Naic. Bagaman nawalan ng kuryente ay nagpatuloy ang botohan dahil sa sinasabing hanggang 12ng oras na baterya ng mga PCOS machine. Ilang sandali matapos maibalik ang kuryente ay saglit itong nawala muli. Sa ulat ng GMA News ay maaari umanong ang pagkikidlat at pag-uulan sa Cavite ang dahilan ng brownout.

Nobyembre 2013. Apat na araw na nawalan ng kuryente sa habang tig-aapat na oras. Naitalang nawalan ng kuryente sa malaking bahagi ng Naic noong ika-21, 22, 25 at 26. Sa mga unang pahayag ng Meralco, mga isinasaayos na transformer banks ang sanhi ng mga nagaganap na rotational brownout sa Cavite. Sa mga ganitong pagkakataon ay idinadaing ng marami ang abalang dulot ng kawalan ng kuryente, bukod sa mainit, apektado ang serbisyo sa ilang tanggapan at negosyo. Hapon-pagabi madalas nawawala ang kuryente nitong Nobyembre.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s