Naic food trip 2013: McDo, milk tea, sisig

Maituturing na isa sa pumupukaw sa interes ng maraming taga-Naic ay ang mga tungkol sa pagkain. Karaniwang hinahanap-hanap ng mga Naicqueño ang mga pagkaing lokal o iyong mga kinalakihan. Subalit nitong 2013, kapansin-pansin ang pagtangkilik ng bayan sa mga pagkaing hatid ng mga bagong bukas na tindahan.

Sa loob ng ilang buwan, inabangan ng hindi lamang mga taga-Naic, kundi maging ng ilang taga-Maragondon at Ternate ang pagbubukas ng Mc Donald’s. Bago tuluyang natapos ang taon, humabol at maituturing na malaking balita ng 2013 ang pagbubukas ng McDo sa national highway sa Ibayo Silangan. Noong ika-28 ng Disyembre, bisperas ng ganap na pagbubukas, binasbasan ni Fr. Virgilio Mendoza, kura ng Naic, ang McDo. Isang palatuntunan ang idinaos na dinaluhan ng mga taga-McDo at lokal na pamahalaan ng Naic. Kapuna-puna naman ang matinding pagtangkilik sa mga unang araw ng McDo kung saan halos hindi nalalagot ang pilang umaabot hanggang sa labas nito. Pila rin maging ang mga motor at tricycle sa drive thru nito. Bukas ang McDo sa Naic 24 oras.

Ilan sa mga milk tea flavors ng Tea.Ka.Muna sa Capt. C. Nazareno.

Inilapit naman ng Tea.Ka.Muna ang milk tea sa Naic nang magbukas ito noong Pebrero. Iba’t ibang flavor ng pinaghalong gatas at tsaa ang natikman ng mga taga-Naic mula noon. Sa di inaasahang pagtangkilik ng mga taga-Naic sa produkto, tatlong milk tea shops din ang halos sunud-sunod na nagbukas, gaya ng Cha-chai sa Bancaan at ng Milktealicious at Sip ‘O Tea sa Poblasyon. Sa pagtataya ng Naic Cavite Online, nasa 50,000 cups ng milk tea ang naibenta ng apat na milk tea shops sa Naic nitong 2013.

Samantala, matagal nang tinatangkilik ng mga taga-Naic ang sisig. Subalit nitong 2013, kapuna-puna ang pagbubukas ng mga tindahang tanging sisig ang binebenta. Bukod sa ulam, naging burger patty na rin ang sisig sa hindi bababa sa dalawang tindahang nagbukas nitong 2013. Sa pagtataya muli ng Naic Cavite Online, nasa 2,000 hanggang 2,500 order ng iba’t ibang sisig mula sa iba’t ibang kainan ang naihahain sa Naic araw-araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s