Malainen Luma girl, 10, found dead, raped

Patay na nang matagpuan ang sampung taong gulang na batang babae sa Malainen Luma. Ginahasa umano ang bata.

Sa ulat ng GMA News, bandang alas-4 umano ng hapon kahapon nang mapansing nawawala si Cheska Katibayan Santos, Grade 5 at taga-Malainen Luma. May mga nagsasabing nakinood umano ito ng telebisyon, habang may mga nakakita pa umano ritong naglalakad malapit sa eskwelahan sa baryo.

Agad na hinanap ang bata ng mga kamag-anak nito. Sa paniniwalang natikbalang ang bata, may nangalampag pa umano ng balde sa mga liblib na bahagi ng Malainen Luma.

Ayon sa Inquirer, bandang 9:45 nang natagpuan ang duguang bangkay ng biktima. Nakasilid sa drainage ng City Land subdivision sa Malainen Luma ang bangkay ng bata. Sa ulat ng TV 5, sinasabing sinakal at hinampas ang biktima. Wala rin umanong saplot sa pang-ibaba ang bata nang matagpuan ayon sa pahayagang Remate. Tinukoy na sa 24 Oras ng GMA News na ayon sa awtopsiya, ginahasa ang bata at namatay ito sa hampas sa ulo.

Pinaniniwalaan din umanong higit sa isa ang may sala gayong hindi umano madaling maisiksik ang bata sa drainage. Ayon sa ABS-CBN News, apat ang kaagad na inimbitahan ng pulisya kung saan dalawa umano sa mga ito ay kamag-anak ng bata. Sa ulat ng GMA News, dalawa sa mga naimbitahan ang maituturing nang suspek matapos makitaan ng mga kalmot, na maaaring palatandaan na naglaban pa ang biktima. Nag-positibo rin sa ipinagbabawal na gamot ang mga suspek.

Patuloy na umuusad ang imbestigasyon ukol sa krimen. Maghapunang natunghayan sa Malainen Luma at presinto ang mga taga-mainstream media matapos ituring na balitang pambansa ang ukol sa pangyayari. Pangunahing balita ng TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ang ukol dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s