Pebrero 7, 2014 (Biyernes). Humigit-kumulang 2000 mga taga-Naic ang nabigyan ng libreng atensyong medikal mula sa isang misyong pinangunahan ng Foundation for Aid to the Philippines, Inc. o FAPI.

Ilang tagpo sa medical mission na isinagawa ng FAPI sa Naic. Mula ang mga larawan sa Facebook fanpage ni Mayor Junio Dualan.
Sa loob ng limang araw, mula noong Lunes, nagsagawa ng medical mission sa poblasyon ang mga doktor na kasapi ng FAPI. Karamihan sa mga doktor ay balikbayan at mga banyaga. May ilang doktor ding tubong Naic.
Bago ang medical mission, namahagi na ng tiket o stub sa mga nangangailangang taga-Naic. Ang naturang tiket ang ginamit ng mga pasyente upang makakuha ng atensyong medikal. Anim na baranggay bawat araw ang itinakda para sa medical mission. Matutunghayan ang iskedyul na inilabas ng pamahalaang lokal:
Pebrero 3, 2014: Bagong Kalsada, Balsahan, Bancaan, Bucana Malaki, Bucana Sasahan, Calubcob
Pebrero 4, 2014: Capt. C. Nazareno, Gombalza, Halang, Humbac, Ibayo Estacion, Ibayo Silangan
Pebrero 5, 2014: Kanluran, Labac, Latoria, Mabulo, Makina, Malainen Bago
Pebrero 6, 2014: Malainen Luma, Molino, Munting Mapino, Muzon, Palangue Central, Palangue 2-3
Pebrero 7, 2014: Sabang, Santulan, Sapa, San Roque, Timalan Balsahan, Timalan Concepcion
Idinaos ang mga medical checkup sa liwasan at court sa kabayanan. Katuwang ng FAPI ang mga tauhan ng Naic Health Center. Isinagawa naman ang mga operasyon sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City.
Bago ang buong linggong medical mission, dumalo pa sa mga misa sa Parokya ng Naic ang mga doktor ng FAPI. Dumalo rin sila sa first Monday flag raising ceremony ng bayan. Nagsilbing panauhing pandangal si Dr. Marietta S. Caragay.
Ayon sa FAPI website, “FAPI’s medical missions are full-service missions, providing medicines, instruments and other needs and expenses for proper patient care. After the mission is completed, the remaining medicines, instruments and medical equipment are donated to the hosting hospital if they are needed to supplement or replace aging inventory.”