Naicqueños renew their vows on Valentine’s day

Pebrero 14, 2014 (Biyernes). Ilang pares ng mga mag-asawa ang sumariwa sa kanilang sumpaan sa altar ngayong Valentine’s Day. Kaugnay nito, pulang-pula rin ang mga suot at gayak ng maraming tao at establisyamento sa Naic.

Ang compoung ng Hall of Justice sa Naic na tinatawag din ng iba bilang "ABC Hall" at "Lovers' Park."

Ang compound ng Hall of Justice sa Naic na tinatawag din ng iba bilang “ABC Hall” at “Lovers’ Park.”

Tampok ngayong araw ang renewal of vows ng maraming mag-asawa sa Parokya ng San Isidro Labrador. Maituturing na napuno ng pag-ibig ang simbahan sa San Roque mula sa mga ikinasal.

Sa ibang bahagi ng Naic, karaniwan nang matutunghayan ang mga may bitbit ng bulaklak mula at para sa kani-kanyang minamahal. Bukod sa mga bulaklak, kabi-kabila ang nagtitinda ngayon ng mga lobo, stuffed toy at mga pang-regalo. Karaniwan ito hindi lamang sa mga flower shop kundi maging sa mga parlor at mga ordinaryong tindahan. Naging mabenta rin ang mga cakes, chocolates at cupcakes.

Namahagi ng tsokolate sa mga kawani ng pamahalaang lokal. Samantala, nagkaroon ng Valentine’s Day party ang ilang nasa elementarya.Sinulit naman ng ilang magkasintahan ang araw upang mag-date sa ilang kainan sa Naic; at ang ilan ay dumayo pa sa mga malalapit na malls.

Ang natutunghayang larawan ay ang compound ng “ABC Hall” o kilala rin bilang Lovers’ Park. Gaya sa ibang araw, matutunghayan ngayon ang ilang mga magkasintahang nangakatigil at nakaupo roon.

Bumaha rin ng samu’t saring posts tungkol sa Valentine’s Day sa Facebook account ng mga taga-Naic. Inilaan hindi lamang sa mga asawa o kasintahan ng ilan ang araw, kundi maging sa ilang kaibigan, kapamilya at magulang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s