INC members from Naic join world record-breaking charity walk

Pebrero 19, 2014 (Biyernes). Kaisa ang mga Naicqueñong kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) sa pagtatala ng dalawang Guinness world records.

1521919_732041680139183_1332609007_n

Pa-hatinggabi pa lamang ng Pebrero 14, isang araw bago ang gawaing tinawag na “Worldwide Walk,” nagsimula nang magtungo sa Maynila ang napakaraming taga-Naic upang makiisa. Ang gawain ay tugon umano ng Iglesia upang makatulong sa mga kapatid at kababayang sinalanta ng super bagyong Yolanda noong Nobyembre.

Sa balitaan nitong nakalipas na mga araw, sinasabing nalampasan ng “Worldwide Walk” ng INC ang dalawang Guinnes World Records. Nalampasan ng INC ang record ng Canada para sa “Largest Charity Walk in 24 Hours (Multiple Venues),” at ang Singapore para sa “Largest Charity Walk in a Single Venue.”

Ayon sa panayam ng Naic Cavite Online (NCO) sa isang kaanib ng INC na taga-Naic, masaya umano siya at ang kanyang pamilya sa pakikiisa sa Worldwide Walk. Ang pakikiisa umano nila sa gawain ay pagtugon sa Iglesia at sa Diyos. Masaya umano silang nakatulong sa mga kapatid at kababayan. Sa gawain din umano nila higit na natunghayan kung gaano ang pagkakaisa ng napakaraming kaanib ng INC sa buong mundo.

Sa talaan ng NCO, matutunghayang may walong lokal ang INC sa Naic. Ito ay ang mga lokal ng Naic, Malainen, Halang, Palangue, Labac, Munting Mapino, Muzon, at Bancaan. Taong 1926, ipinadala ni Ka Felix Manalo sa Naic si Ka Norberto Cruz upang ganap na mapasimulan ang INC sa bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s