Atty. Erwin Cuartero takes council post vacated by Dra. Eva Arenas

Sina Atty. Erwin Cuartero (left) at Dra. Eva Arenas (right), mga larawang mula sa Naic Cavite Online Archive.

Sina Atty. Erwin Cuartero (left) at Dra. Eva Arenas (right), mga larawang mula sa Naic Cavite Online Archive.

Pebrero 22, 2014 (Sabado). Nag-resign sa pagka-konsehal si Dra. Eva Arenas at nanumpa naman bilang kanyang kapalit si Atty. Erwin Cuartero.

Sa unang dalawang linggo ng Pebrero ay kumalat ang balita hinggil sa pagbibitiw ng doktora bilang konsehal ng bayan. Personal di umano ang dahilan ng konsehala kung kaya isinumite niya ang kanyang “irrevocable resignation.” Matatandaang pangalawa si Dra. Arenas sa mga konsehal na may pinakamalaking boto noong halalan sa bilang na 20,885.

Mabilis namang kumalat sa lokal na mga pulitiko ang tungkol sa naturang pagbibitiw. Kani-kanya at halos kabi-kabila ang pahayag ng ilang pulitiko na nais nilang humalili sa naiwang pwesto sa Sangguniang Bayan. Karamihan sa mga nagpahayag ng interes upang maupo bilang konsehal ang ilan sa mga natalo nitong huling halalan. Ilan sa kanila ay mula sa partidong Magdalo, habang ang ilan naman ay mula sa pinagmulang partido ni Dra. Arenas, ang Liberal.

Samantala, naging katanungan para sa marami ang panunumpa ni Atty. Erwin Cuartero bilang bagong konsehal ng Naic. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang manumpa kay Gov. Juanito Victor Remulla Jr. si Atty. Cuartero.

Binigyang linaw ni Atty. Edwina Mendoza, Municipal Chairman ng Liberal Party, ang ukol sa pagka-konsehal ni Atty. Cuartero. Sa panayam ng Naic Cavite Online, sinabi ni Atty. Mendoza na ayon sa batas, ang naiwang pwesto ng isang nag-resign na konsehal ay kinakailangang punan ng isang mula sa pinagmulang partido ng umalis. Bagaman may ilang interesado umano sa kanilang partido na humalili kay Dra. Arenas, hindi naman umano pinahihintulutan ng batas na maitalaga ang isang natalo sa halalan habang hindi pa nakalilipas ang isang taon. Pangunahin umanong nagpahayag ng interes sa kanilang partido, upang maging konsehal, ay isa sa mga natalo noong huling halalan. Mayo 2013 nang maganap ang eleksyon.

Gayong hindi umano mahahayaan ng Liberal na manatiling bakante at kulang ang kanilang bilang sa konseho, bilang “pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan,” kinailangan na nilang punan ang iniwan ni Dra. Arenas. Sa ganitong sitwasyon, sa bisa umano ng mga batas na nagbibigay karapatan, itinalaga ni Atty. Mendoza si Atty. Cuartero bilang kapalit. Pangunahin umanong naging batayan sa pagpili ang pagiging abogado ni Atty. Cuartero. Matatandaang nagsilbing administrador ni Atty. Mendoza si Atty. Cuartero sa huling panunungkulan ng una bilang mayor ng Naic. Si Atty. Cuartero ay manugang din ni Atty. Mendoza sa kanyang anak na hukom, Atty. Hilda Mendoza-Cuartero.

Bukod kay Atty. Cuartero, nangakaupo ngayon bilang mga konsehal mula sa Liberal sina Anita Carta, Joy Paras, Napoleon Nazareno V at Ptr. Maximo Dagasdas. Mula naman sa Magdalo sina Cesar Ryan Nazareno, Sofia Motas, Dr. Rodolfo Villar, at ABC President Cesar Loyola Jr. Magdalo rin si Vice Mayor Rodrigo Castillo na siyang may huling desisyon sakaling maging patas o tie ang boto sa konseho.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s