Black Nazarene from Quiapo visits Naic

Abril 24, 2014 (Huwebes). Sa tahimik na pagdating ng imahe ng Poong Itim na Nazareno mula sa Quiapo patungo sa Naic, hindi napigil ang maraming deboto upang magparangal kay Kristo.

Matutunghayan ang imahe ng Poong Itim na Nazareno na dinala sa Naic. Dinagsa ang imahe sa Munting Mapino kung saan napili itong paliguan ngayong taon.

Tuwing anibersaryo, tradisyon na umanong paliguan ang imahe ng poon sa dagat, at Naic ang napili ngayong taon upang isagawa ito. Gabi ng Abril 21 nang iprusisyon at ikarakol sa Munting Mapino ang Poong Nazareno. Ilang oras na nagdiwang sa daan ang mga taga-baryo, habang unti-unting kumakalat ang kwento tungkol sa pagdating ng imahe.

Inilagak sa basketball court ng Munting Mapino ang imahe kung saan magdamag itong binantayan at dinasalan. Dagsa ang napakaraming deboto na nagdasal pa ng rosaryo pagsapit ng ika-5 ng madaling araw. Isinagawa rin ang pagpapaligo ng imahe sa dagat.

Ikinagalak ng maraming taga-Munting Mapino ang pagpapaligo ng imahe sa dagat sa paniniwalang magdudulot iyon ng maraming huling isda.

Halos buong araw pa nanatili ang Poong Nazareno sa Munting Mapino noong ika-22 ng Abril. Patuloy na dumalaw ang mga taga-Naic at ibang lugar sa imahe. Bandang alas-11 na ng gabi nang ilisan ang poon sa Naic.

2 thoughts on “Black Nazarene from Quiapo visits Naic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s