Graduation rites in Naic theme “Hindi natitinag ang pusong Pilipino”

Abril 25, 2014 (Biyernes). Nitong nagdaang Marso at sa mga nakalipas na araw ng Abril ay libu-libong Naicqueño ang nagtapos sa iba’t ibang mga paaralan.

Ang natutunghayan ay ang ilan sa mga nagtapos sa Cavite State University – Naic noong Abril 7, 2014.

Alinsunod sa ibinaba ng Kagawaran ng Edukasyon, paksa at naging tema ng mga talumpati ang “Hindi natitinag ang pusong Pilipino.” Salamin umano ito ng pagbangon mula sa mga sakuna at digmaang pinagdaanan ng Pilipinas noong nakaraang taon.

Para kay Elaine Vergara, valedictorian ng Cavite Community Academy, naipamalas niya ang katatagan mula sa hamon ng pagkakaroon ng mga magulang na kapwa overseas workers. Ayon sa kanya, “I almost forgot to smile before; but I never lose hope. I always find a way for me to become happy every time I feel low. I said to myself that if I will be a weak person, I cannot achieve my aim to soar high.”

Sa iisang tema rin uminog ang talumpati ni Melisa Rubio-Ciria bilang panauhin sa Pagtatapos sa Lino Bocalan Elementary School sa Timalan Balsahan. Inihalintulad ni Ciria ang mga Pilipino sa mga kawayan, na bagaman humahapay ay hindi nababali.

Samantala, kapuna-punang sa kabi-kabilang pagtatapos, naging karaniwang panauhin si Mayor Junio Dualan. Binigyang pansin niya ang linya sa Himno ng Naic, na bilang bilang Pilipino, tayo rin ay matatatag. Matutunghayan ang kanyang tinutukoy sa linyang, “Kay lakas-lakas mo, kay tatag-tatag mo, Naic ang bayan ko.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s