Heavy summer rains lead to problems

Abril 26, 2014 (Sabado). Gaya kagabi, kasalukuyang nakararanas ng pag-uulan ang buong Naic sa kabila ng umiiral pang tag-init.

Nahinto ang laban ng basketball sa Naic Covered Court matapos bahain ang buong court. Ganito ang tagpo sa maraming lugar sa Naic matapos ang biglaang pag-ulan ngayong tag-init.

Nahinto ang laban ng basketball sa Naic Covered Court matapos bahain ang buong court. Ganito ang tagpo sa maraming lugar sa Naic matapos ang biglaang pag-ulan ngayong tag-init.

Pasado alas-6 kagabi nang mangulimlim at magsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan sa buong bayan. Ikinagulat ito ng marami gayong napakainit sa buong araw na nagdaan.

Tila paunang ipinatunghay ng pag-ulan na hindi pa handa ang marami sa nalalapit na panahon ng tag-ulan. Kaagad na nagbara ang mga imburnal at daluyan ng mga tubig at naiulat ang pagbabaha sa poblasyon at Labac. Naantala ang pagdiriwang sa Labac gayong nakatakdang magdiwang ng kapistahan ngayong Linggo ang baryo.

Kabalintunaan naman ang matutunghayan sa Naic Covered Court sa kasagsagan ng ulan. Nahinto ang isinasagawang laban para sa ligang inter-baranggay dahil binaha ang buong court. Itinuturing ng pamahalaang lokal na evacuation area ng Naic ang binahang court.

Idinaing naman sa upland barangays ang pagkabasa ng mga nakabilad nilang palay.

Marami ring bahayan ang naapektuhan. May mga baradong pansol na nagbunsod upang bahain at tumulo sa ilang mga bahay sa Naic.

Sa Facebook fanpage ni Mayor Dualan ay inilabas kagabi ang ilang hotlines:

  • 4120-250 Police Naic
  • 4121-481 Fire Station
  • 4121-443 Naic Doctors Hospital
  • 4121-763 San Lorenzo Hospital
  • 4120-312 Medicare

Sa ulat ng Pagasa ngayong araw, sinasabing asahan na ang pag-iral ng thunderstorm hanggang bandang ika-9 ng gabi.

Sa mga nakalipas na taon, ang matinding pag-uulan ay nagdudulot ng matitinding perwisyo sa iba’t ibang panig ng Naic.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s