Naic celebrates 223rd foundation day

Mayo 1, 2014 (Huwebes). Tatlong araw ipinagdiwang ng Naic ang ika-223 taon ng pagkakatatag nito bilang isang bayan.

Nagturo kung paano gumawa ng spicy dilis ang ilang guro ng Cavite State University Naic.

Nagturo kung paano gumawa ng spicy dilis ang ilang guro ng Cavite State University Naic.

Sa temang “Pagbabalik-Sigla sa Kulturang Kinagisnan, Gabay sa Nagkakaisang Bayan,” binuksan ang tatlong araw na programa sa pamamagitan ng isang palatuntunan noong ika-29 ng Abril. Umaga nang magtipun-tipon ang iba’t ibang sektor ng bayan sa liwasan. Tinalakay ng panauhin ang iba’t ibang kulturang Naicqueño batay sa kasaysayan ng bayan.

Ang unang palatuntunan ay sinundan ng pagbubukas ng trade fair at exhibit na nasa plaza rin. Tampok sa trade fair ang iba’t ibang produktong Naic. Kabilang sa mga ito ang fishery and agricultural products, handicrafts at iba’t ibang pagkain. Nagkaroon din ng demonstration sa paggawa ng ilang produkto gaya na lamang ng spicy dilis na ipinakita ng mga taga-Cavite State University Naic. Pangunahing nakilahok sa demonstrasyon ang mga inang nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan.

Kinagabihan, 17 mga binibini ang nagpamalas ng kanilang mga talent para sa Talent Night ng Miss Naic 2014.

Tagpo sa isinagawang street dancing competition nitong Araw ng Naic.

Tagpo sa isinagawang street dancing competition nitong Araw ng Naic.

Sa ikalwang araw ng mga pagdiriwang, maaga muling nagsimula ang selebrasyon sa bayan. Tinatayang humigit-kumulang 18 mga grupo ang nakiisa sa street dancing. Kinatawan ng mga paaralan, baranggay at ilang samahan ang mga nakilahok sa patimpalak sa naturang uri ng pagsayaw. Sa paglalahad ng mga nagwagi ngayong unang araw ng Mayo, ang mga kinatawan ng La Vlaize ang nanalo.

Hindi naman napigil ng ulan ang magarbong pagbabalik ng Sunduan sa Naic. Matapos ang 16 na taon, binuhay ngayong 2014 ang Sunduan sa bayan. Tinatayang mahigit 100 pares ng mga babae at lalaki ang nakalahok sa Sunduan. May mga bata, binata at dalaga, at mga senior citizen. Suot ng mga kasapi ang mga damit na likha ng mga mananahi at designer na taga-Naic. Nagsimula ng alas-dos, inabot ng may apat na oras ang sunduan hanggang sa pag-akyat ng bawat pares sa entablado ng plaza.

Isa sa mahigit 100 pares na nakilahok sa Sunduan ngayong Araw ng Naic.

Isa sa mahigit 100 pares na nakilahok sa Sunduan ngayong Araw ng Naic.

Sa itinakdang araw para sa Araw ng Naic, umaga nitong Mayo 1 ay muling natunghayan ang napakahabang parada sa Naic. Nagsimula ang parada sa munisipyo na humantong sa liwasan. Sa haba ng parada, nasa plaza na ang marami ay nasa munisipyo pa ang iba.

Kaagad na sinundan ng palatuntunan ang parada. Panauhin si dating Congressman Crispin Remulla. May iba’t ibang bilang din sa programa gaya ng mga sayaw at awit.

Ngayong gabi, nasa may 30 minuto namangha ang bayan sa makulay na fireworks display sa poblasyon. Ito ang naging hudyat para sa pagsisimula ng Coronation Night ng Miss Naic. Punung-puno muli ang plaza para naman sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa kani-kanyang kalahok. Ilan sa mga inaasahang makikibahagi sa Naic ngayong gabi ay ang mga artistang sina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Mariel Rodriguez at Jessy Mendiola.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s