Naic showers, holds fun run for a cause

Hunyo 24, 2014 (Martes). Sa layong mabigyan ng scholarship ang ilang kabataang Naicqueño, isang fun run ang inilunsad ng liga ng mga baranggay kasabay ng kapistahan ni San Juan.

Kapuputok pa lamang ng araw ay dagsa na ang mga tao sa liwasan. Bago ang ika-6 nang umaga, isang warm up ang isinagawa sa plaza. Sabay-sabay na nag-ehersisyo ang mga tatakbo na nilahukan ng mula sa mga sektor ng edukasyon, pamahalaan, baranggay at pribadong mga mamamayan. Makalipas ang ilang minuto, muling nagkaroon ng maiksing warm up na pinangunahan naman ng mga kapitan ng iba’t ibang baranggay at mga konsehal ng Naic.

DSC08855

Halos mag-iika-7 nang umaga, matutunghayan na ang libu-libong Naicqueño na pumuno sa plaza. Punung-puno rin ng mga tao sa paligid ng liwasan. Hindi mahulugang karayom ang paligid ng mga taong suot ang opisyal na damit para sa fun run.

Mula sa plaza, umusad ang fun run na sa simula ay sinabayan ng masigla at masayang hiyawan. Halos maging fun walk ang fun run matapos halos maglakad ang karamihan. Apat na kilometro ang ruta ng takbuhan na tumahak pa-Capt. C. Nazareno at Santulan, kumaliwa sa Governor’s Drive, lumiko sa pag-itan ng Petron at munisipyo, pumasok sa pangunahing daan ng Ibayo Silangan, at nagwakas muli sa liwasan.

DSC08879

Kaugnay ng kapistahan ni San Juan, tampok sa fun run ang basaan na pinangunahan mismo ng mga bumbero ng Naic. Humimpil at namasa ang mga bumbero sa krosing ng San Roque at Governor’s Drive, sa istasyon nila sa Ibayo, at sa poblasyon. Bukod sa mga bumbero ay namasa rin ang ilang taga-Naic na nasa mga bahayang dinaanan ng takbuhan.

Sayang-saya ang mga nagsilahok habang binabasa. May ilang tila naligo na sa gitna ng bumubuhos na tubig. Hindi nakaligtas ang ilang mga hindi kasapi sa fun run gaya ng mga byahero, nanonood sa daan, at mismong mga nagsasaboy sa mga bahay-bahay matapos silang buhusan na rin ng tubig.

DSC08915

Sa pagwawakas ng fun run sa plaza, halos walang tigil na ang basaan na ang mga buga ng tubig ay nanggagaling na sa kung saan-saang dako. Sa gitna ng palatuntunan, maya’t maya ring sumasaboy ang tubig sa mismong loob ng plaza. Nagmistulang malaking shower room ang buong poblasyon.

Nagkaroon pa ng pa-raffle kung saan marami ang nanalo ng mga appliances, bigas at pera. Pasado ika-9 ng umaga na nang matapos ang mga pagdiriwang.

DSC08985

Tunghayan ang mahigit 200 larawan ng fun run sa Facebook.

Sinasabing gagawin nang taunan ang fun run. Ang kita sa fun run ay gagamitin ng liga ng mga baranggay para sa scholarship ng mga nangangailangang kabataan ng bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s