PAGASA: Signal No. 3 now up over Cavite

Hulyo 16, 2014 (Miyerkules). Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, sinasabing nakataas na ang signal number 3 sa Cavite, kabilang ang iba pang lugar sa Timog Katagalugan, Kabikulan at Metro Manila bunsod ng bagyong Glenda.

Aasahan umano sa signal number 3 ang hanging nasa 101 hanggang 185 na kilometro kada oras. Mararamdaman na umano sa Cavite ang bagsik ni Glenda sa mga susunod na oras. Inihahalintulad ngayon ang bagyong Glenda sa lakas at direksyon ng bagyong Milenyo noong 2006.

Ang inaasahang tatahakin ni bagyong Glenda (may international name na typhoon Rammasun), mula sa). Ang larawan ay mula sa Hong Kong Observatory, halaw sa South China Morning Post Website.

Ang inaasahang tatahakin ni bagyong Glenda (may international name na typhoon Rammasun), mula sa). Ang larawan ay mula sa Hong Kong Observatory, halaw sa South China Morning Post Website.

Mula sa signal number 1 noong Lunes, itinaas kahapon sa signal number 2 ang bagyo sa Cavite. Naranasan ng Naic ang napakalakas na ulan kahapon ng madaling araw. Sinundan ito nang manaka-nakang pag-uulan kinahapunan.

Dahil sa bagyo, sinuspinde ng Kapitolyo ang mga klase mula preschool hanggang high school kahapon. Nagsuspinde rin ng klase ang ilang kolehiyo matapos ang tanghalian, gaya ng Cavite State University Naic, maging ang Polytechnic University of the Philippines sa Maragondon kung saan marami ring nag-aaral mula sa Naic.

Sa pagtaas ng babala ng bagyo, maagang sinuspinde ng Kapitolyo ang pasok sa mga paaralan para sa ngayong araw. Wala nang klase ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa buong lalawigan.

Sa ulat na nasa Facebook page ni Mayor Junio Dualan kahapon, sinasabing pinulong na ni Municipal Administrator Rosalito Senia ang mga pinuno ng iba’t ibang lokal na kagawaran upang maghanda laban sa anumang sakuna gaya ng bagyo at pagtaas ng tubig sa mga tabing dagat.

Karaniwan at kabi-kabilang matutunghayan sa mga social networking sites ang mga paalala upang mag-ingat sa paparating na bagyo. Matatandaang sa mga nagdaang bagyo at unos, madalas na binabaha ang mga baryong kostal ng Naic. Nakararanas rin ng pagbabaha sa mga bahaging tubigan, maging sa kabayanan kung saan nagbabara ang mga imburnal.

Samantala, una na nang ipinaskil sa Facebook ni Mayor Dualan ang ilang mahahalagang numero na dapat tandaan tuwing panahon ng kalamidad, gaya ng mga sumusunod:

  • Fire Station: 412-1481
  • Naic Police Station: 412-0250
  • DRRM Provincial Fax: 571-1845 571-1849 472-1266
  • Nawascor: 412-0026
  • UMC De La Salle Dasmariñas: 481-8000
  • Naic Medicare: 4120312
  • San Lorenzo Ruiz Hospital: 4121763 / 4121411DSWD: 412-2213
  • Municipal Engineering Office: 412-0170
  • Rural Health Unit (Center) 412-0296/5070781
  • Sangguniang Bayan: 686-3184/507-1266

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s