Naic government targets 195M budget for 2015

Halos 200 milyong piso ang budget na tinatarget ng pamahalaang lokal ng Naic upang isulong ang mga proyektong bayan ngayong 2015.

Si Mayor Junio Dualan habang nagtatalumpati sa kauna-unahang pagtataas ng watawat ng bayan para sa 2015.

Si Mayor Junio Dualan habang nagtatalumpati sa kauna-unahang pagtataas ng watawat ng bayan para sa 2015.

Sa kanyang talumpati kanina sa buwanang flag raising ceremony, inilahad ni Mayor Junio Dualan ang mga gastusin at proyekto ng pamahalaan para sa Naic ngayong taon. Target umano ng pamahalaan na gumugol ng 195 milyong piso para sa iba’t ibang pagawain at proyekto.

Kabilang umano sa pinopondohan ng pamahalaan ay ang mga pagawaing bayan na katumbas ng 20% ng buong budget o nagkakahalaga ng 27 milyong piso ngayong taon. Ilan sa mga prayoridad umano ng pamahalaan ay ang Tourism Center na lalagyan ng isang malaking electronic billboard. Ilang multipurpose hall din umano ang itatayo sa Mabulo, Labac at Molino. Asahan din umano ang pag-aaspalto sa mga daan gaya sa Humbac at Makina.

May laang pondo rin umano ang Munisipyo para sa disaster. Sa disaster building umano ng pamahalaan ay pagsasama-samahin ang tanggapan ng pangasiwaan para sa Naic website, CCTV monitoring, at ambulance hotline. Kaugnay ng gastusin hinggil sa disaster, may mga nakalinya umanong proyekto para sa flood control o di kaya ay drainage sa Ibayo Estacion, Malainen Bago at Sapa.

Marami umano ang mga investor at developer na nakikipag-ugnayan ngayon sa Munisipyo. Ayon kay Mayor Dualan, “magugulat kayo sa pag-asenso ng bayan ng Naic.” Pinasalamatan din ng alkalde ang mga nakatuwang sa paghahanda ng budget sa Sangguniang Bayan. Ayon pa kay Mayor Dualan, “Kayong mga mamamayan ng Naic ang aking inaasahan na tutulong tungo sa pag-unlad ng bayan.”

Habang tila ipinasilip ni Mayor Dualan ang mga aasahan ng bayan ngayong 2015, sinabi niyang nahigitan pa ng Munisipyo ang tinarget nitong 173 milyong pisong budget para sa 2014. Iniulat pa niyang zero casualty ang Naic sa pagsalubong ngayong Bagong Taon, at sa kabuuan ay mabuti ang peace and order situation. Ilan pa umano sa dapat asahan ay ang pag-ulit sa kasalang bayan sa darating na Pebrero 14, kagaya ng kararaos lamang nitong Disyembre 16. Libre umano ang lahat ng gastusin ng mga magpapakasal. Pasasayahin pa umano ang mga fun run para sa mga iskolar, maging ang Araw ng Naic tuwing Mayo. Magiging masaya rin aniya ang mangyayaring reunion ng Western Colleges.

Ang isinagawang flag ceremony sa liwasan ay pinangasiwaan ng Naic National High School. Dinaluhan ito ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Paksa ng gawain ang “Sulong Naic: Kapit Bisig, Transpormasyon at Kaunlaran Naic Makamtan.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s