Naic LGU discloses top taxpayers

Pinasalamatan at kinilala ni Mayor Junio Dualan ang mga nagbubuwis sa Naic.

11000863_916198398420805_1057965573_o

Sa buwanang pagtataas ng watawat sa Naic nitong Pebrero 2, iniulat ni Mayor Dualan ang ilang impormasyon ukol sa mga nagbubuwis sa bayan. Inihayag umano niya ang talaan ng mga nagbubuwis kaugnay ng tema ng seremonya, “Sulong Naic, Tamang Komunikasyon, Wastong Impormasyon, Gabay Tungo sa Makabagong Henerasyon.” Gusto rin umano niyang maging “transparent” sa lahat.

Hanggang sa katapusan umano ng Enero 2015, nasa 21.6 milyong piso na ang koleksyon ng Naic mula sa mga nagnenegosyo. Mataas umano ito ng apat na milyong piso sa koleksyon noong kagayang panahon ng 2014. Hanggang sa katapusan pa rin ng Enero, nasa 22 milyong piso naman umano na ang koleksyon ng lokal na pamahalaan mula sa real property tax. Mula naman din sa 1,975 na kumuha ng tricycle permits, umabot na sa 750,000 piso ang koleksyon. May inaasahan pa umanong pitong milyong makokolekta ang Munisipyo mula sa mga nagbabayad ng quarterly at semi-annually.

Inisa-isa rin ni Mayor Dualan ang sampung negosyo sa Naic na may pinakamatataas na binayarang buwis. Una umano sa listahan ang kumpanyang kaugnay ng Digitel na nagbayad ng 2,978,569 piso. Sinundan ito ng kumpanyang kaugnay ng Ciudad Nuevo at MS Mart na kapwa mahigit dalawang milyong piso rin ang binayaran. Pang-apat ang McDonald’s na nagbayad ng 1,594,647 piso; panglima ang Mercury Drug, 1,370,000 piso; pang-anim, Basic Housing Solution, 1,122,700 piso; pangpito, Jetti Oil, 964,905 piso; pangwalo, Velamart, 803,759 piso; pangsiyam, Twice Grocery, 777,652 piso; at pangsampu, Jollibee sa bayan, 561,350.

Pinasalamatan din ni Mayor Dualan ang lahat ng nagbayad ng buwis sa Naic. Gagamitin umano ng pamahalaang lokal ang koleksyon para rin sa bayan. Sa streamer na ipinalabas ng Munisipyo, nakasulat na “ang Lokal na Pamahalaan ng Naic ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng ‘tax payers’ na katuwang sa pagsulong ng bayan tungo sa minimithi nitong kaunlaran. Ang inyong responsableng pagtugon sa aming panawagan ay para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s