Team Amira thankful for supporters

2nd Update. Hulyo 12, 2015 (Linggo). Labis ang pasasalamat ng taga-Naic na si Amira Medina, maging ng kanyang ama, sa lahat ng sumusuporta sa kanilang laban sa The Voice Kids ng ABS-CBN.

Si Amira Medina sa kanyang blind audition sa The Voice Kids ng ABS-CBN (captured video image, ABS-CBN)

“Pakisabi na lang ho sa lahat ng taga-Naic at buong Cavite ang aming taos pusong pasasalamat sa pagsuporta ho nila kay Amira.” Ito ang naging pahayag ng ama ni Amira sa Naic Cavite Online (NCO), isang araw matapos isahimpapawid ng ABS-CBN ang pagkakatanggap ni Amira sa blind audition sa The Voice Kids. Dagdag pa niya, “di ko ho alam kung paano pasasalamatan ang mga supporters ni Amira.”

Ang ama at kapatid ni Amira na kasama sa blind audition sa The Voice Kids (captured video image, ABS-CBN)

Nagpost naman ng pasasalamat sa kanyang Facebook account si Amira. Ayon sa kanya, “THANK YOU SO MUCH EVERYONE! Hahaha. Salamat po sa suporta ninyo.. and God bless po!” Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nagpapadala sa kanya ng mensahe sa Facebook. Aniya, “Salamat po sa lahat ng suporta, sa mga likes at sa mga messages nio po sorry po hndi q mareply lahat sa dami po pero sobrang salamt po tlga.”

Si Bamboo nang i-press ang button upang paikutin ang kanyang silya habang kumakanta si Amira (captured video image, ABS-CBN).

Si Bamboo nang i-press ang button upang paikutin ang kanyang silya habang kumakanta si Amira (captured video image, ABS-CBN).

Samantala, bago pa ang pag-ere ng kanyang blind audition, nagpasalamat na si Amira sa lahat ng dati pa ay sumusuporta na sa kanya. Inanyayahan din niya ang mga taga-Naic na patuloy siyang suportahan sa kanyang pag-awit. Sa tinanggap na mensahe ng NCO mula kay Amira, “first of All po, I would like to thank God Almighty, and my family, friends everywhere, and my fellow Naicenos! Sana po suportahan niyo pa po ako sa mga future events po sa singing. I LOVE YOU ALL.”

Si Amira habang inaawit ang Wrecking Ball para sa kanyang blind audition sa The Voice Kids.

Si Amira habang inaawit ang Wrecking Ball para sa kanyang blind audition sa The Voice Kids.

Karugtong ng pahayag ni Amira, “I would LOVE to say ‘HELLO’ to all my fellow Naicenos out there! Kumusta po kayong lahat? I just wanted to say THANK YOU po for your endless, amazing support po para sa akin, and kung alam niyo lang po kung gano po ako kasaya every time I browse through the comments, every time I open my timeline, nakakainspire po talaga. I’m very proud to be a Naiceno! Thank you everyone for the inspiring comments, likes, and I promise po na I won’t let you all down. I will do and give all my very best in singing. Also, sana po ay manatili po tayong masayahin at fearful to God I LOVE EACH AND EVERYONE OF YOU po and mabuhay po ang mga Naicenos! God bless and all the love.”

04

Si Amira kasama si Sarah Geronimo na kanyang pinili bilang coach (captured video image, ABS-CBN).

Bumaha ng mga post sa Facebook accounts ng mga taga-Naic tungkol sa laban ni Amira. Bago ang episode ng The Voice Kids, suporta ang inihayag ng mga taga-Naic para sa kababayan. Higit namang nag-igting ang mga mensahe sa social media ng mga taga-Naic nang mamangha sa blind audition ni Amira. Ayon kay Nathaniel Villar, “ang galing ng bagong bida ng Naic.”  Sabi naman ni Gilbert Pinpin Beligon, “I’m sure na talagang proud ang buong taga naic. Lalo na ang mga taga labac . support amira hangang finals.” Libu-libo ang mga likes, shares, comments at posts ng mga taga-Naic, pati na ng ilan pang taga-Cavite.

Matatandaang sa bersyon ni Amira Medina ng kantang Wrecking Ball kagabi sa The Voice Kids, agad na umikot ng upuan si Bamboo na saglit pa ay halos sabay na sinundan nina Sarah Geronimo at Leah Salonga. Pinuri ng mga hurado ang lalim at maturity ni Amira sa pagkanta. Ibinunyag ni Amira sa kanyang Facebook account na paborito niya ang kantang Wrecking Ball.

05

Ang natatanging duet nina Darren Espanto at Amira sa kantang Moves Like Jagger (captured video image, ABS-CBN).

Halos pag-agawan ng tatlong hurado si Amira. Upang mapili ni Amira, tinawag pa ni Sarah si Darren Espanto na dating nasa kanyang team noong season one. Naka-duet ni Amira si Darren sa kantang Moves Like Jagger.  Sa huli, pinili ni Amira si Sarah bilang kanyang coach.

Si Amira ay 13 anyos mula sa Labac at kasalukuyang Grade 7 student ng Cavite State University Naic.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s