Amira wins Voice Kids battle round, thankful

Agosto 2, 2015 (Linggo). Nanalo sa battle round ng The Voice Kids (TVK) Season 2 ang taga-Naic na si Amira Medina.

Si Amira habang inaawit ang kanyang linya sa battle round ng The Voice Kids Season 2.

Isinahimpapawid kagabi ng ABS-CBN ang battle round kung saan kabilang si Amira. Nakalaban niya ang dalawang kasama sa Team Sarah na sina Andrew Patuastic at Owen Gonzaga. Kinanta nila ang “Keep Holding On.”

Nang kuhanin ang opinyon ng dalawa pang coach na sina Leah Salonga at Bamboo, pinili ni Leah si Owen habang si Amira naman ang pinili ni Bamboo.

Bago pinili ni Sarah Geronimo ang nanalo para sa kanyang team, kinausap niya isa-isa ang mga batang mang-aawit. Aniya, “Owen, I feel the versatility and flexibility of your voice. Amira, you hit that hight note you are afraid of. Andrew, you have set aside the influence of Bamboo in your voice tonight.”

Nagbubunyi naman ang maraming taga-Naic na nanonood sa kani-kanilang telebisyon nang piliin ni Sarah si Amira. Kaagad na naging viral sa Facebook ng mga taga-Naic at mga sumusuporta kay Amira ang pagbati sa pagkakapanalo niya.

Ipinaabot ni Amira ang pasasalamat kanina sa pamamagitan ng kanyang Facebook. Sabi niya, “THANK YOU ALL SO MUCH for the amazing support! Thank you all so much din po for congratulating me, and you guys are the best! I promise I will do my BEST for the Singoffs.” Dagdag ni Amira, “First of all, I would like to thank God Almighty, for making my faith stronger and for everything. For the blessings, and the love.” Pinasalamatan din niya ang pamilya at ilang kaibigan.

Si Amira, kasama ang mga naka-battle na sina Andrew at Owen.

Nagbigay din ng pagbati at pasasalamat si Amira kina Andrew at Owen. Ayon sa kanya, “I would like to congratulate you both. You both did great at the performance! Thank you for the short bondings and laughter, and I’m very glad to be friends with you guys. Sana ipagpatuloy nyo lang abutin ang pangarap nyo. I’m very proud na rin. Oh, and one more thing: As the song says, JUST STAY STRONG AND KEEP HOLDING ON.”

Sa huli, pinasalamatan niya rin coach na si Sarah Geronimo, “thank you so much po for being a very supportive, kind, and amazing coach for us all, napakabait at napakaganda nyo rin po… thank you for making me stronger and more confident, and thank you so much for being so understanding to all of us. We love you po!”

Matatandaang unang umere ang kanyang blind audition noong Hulyo 11 na pinag-usapan hindi lang sa Naic kundi hanggang sa mainstream media. Natatangi ang audition ni Amira nang umikot para sa kanya ang tatlong hurado na sina Bamboo, Leah Salonga at Sarah Geronimo. Halos pag-agawan ng tatlong hurado si Amira. Upang mapili ni Amira, tinawag pa ni Sarah si Darren Espanto na dating nasa kanyang team noong season one. Naka-duet ni Amira si Darren sa kantang Moves Like Jagger. Sa huli, pinili ni Amira si Sarah bilang kanyang coach. Mula noon ay naging trending na sa Facebook ng maraming taga-Naic si Amira. Kabi-kabila ang mga posts ng larawan kasama siya, at mga hiling upang gawaan niya ng fansign.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s