Radio-based instruction launched in Bagong Kalsada

Inilunsad ang Radio-based Instruction (RBI) Program sa Barangay Bagong Kalsada noong Hulyo 3, 2015. Pinangunahan ito ng Schools Division Superintendent na si Dr. Cherrylou De Mesa, District Supervisors ng Naic na sina Dr. Elsa De Leon at G. Saturnino Hernandez, at mga alternative learning system (ALS) implementers ng Naic.

Picture1

Ang RBI Program ay dinesenyo para sa mga mag-aaral ng ALS na walang oras upang makapag-aral dahil sa kanilang hanapbuhay o kaya naman ay dahil sa kanilang mga gawaing bahay. Ito rin ay isa sa mga paraan ng pag-aaral sa ALS kung saan ang mga estudyanteng out-of-school youth ay makikinig sa audio lesson na pinatutunog ng ALS radio teacher at hindi na kailangan pang pumasok sa learning center. Magkakaroon lamang ng klase ang mga mag-aaral isang beses sa isang linggo depende sa mapagkakasunduang oras at araw.

Tulad ng mga mag-aaral ng ALS sa face-to-face intervention, ang mga mag-aaral na sasali sa RBI program ay magkakaroon din ng sampung buwang pag-aaral. Matapos niyaon ay maaari na silang kumuha ng Accreditation and Equivalency Test. Sakaling makapasa, sila ay magkakaroon ng high school diploma na katumbas ng diploma na natatanggap ng estudyanteng nagtapos sa formal school. Kapwa may parehong benepisyo at karapatan ang mga naturang diploma. – Ray Climacosa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s