Amira on The Voice Kids experience: “Everything happens for a reason”

Agosto 16, 2015 (Linggo). Nagpapasalamat si Amira Medina sa lahat ng sumuporta sa kanya hanggang sa singoffs ng The Voice Kids (TVK) Season 2 ng ABS-CBN.

Si Amira Medina.

Isinahimpapawid ang singoffs ng TVK ngayong gabi kung saan inawit ni Amira ang Faithfully. Kasama niya ang iba pang kalahok mula sa Team Sarah na sina Francis Lim, Gian Ale, Kristel Belo, Kyle Echarri and Zephanie Dimaranan. Pinili ni Sarah sina Kyle at Zephanie.

Matapos ang TVK, nagpost ng mensahe si Amira sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanya, “Maraming maraming salamat po sa suporta ninyong lahat ever since. Okay lang po yun diba? :’) As a saying goes, ‘Everything happens for a reason.’ Even if natalo po ako, mas pagbubutihan ko po. Pangarap ko po ito. Hindi pa po dito natatapos ang lahat. Maraming maraming salamat po talaga sa inyong lahat… I don’t know where I’d be without you guys.” Sabi pa ni Amira, “Sana po suportahan nyo pa po ako. I love you all, and I’ll always hold on to my dream. All the love.”

Sa isa pang post ni Amira, sinabi niyang “I enjoyed being in The Voice Kids. I had a great time having fun and bonding with my fellow young artists, and living the dream. It’s like a whole new world for me. Whatever happens, I just want you all to know that I’ll stay humble and that I’m still the old, cheerful, and friendly Amira you used to know, the same Amira you often see walking around hahaha.” Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya, si Sarah Geronimo, at mga fans sa Amiranatics, Amiratics, Amiranians, at AMIRA WORLD PAGE.

Mabilis namang bumuhos ang mensahe ng suporta para sa batang mang-aawit. Ayon kay Jan Joseph Poblete Arcena, “Yes Amira! Everything happens for a reason. And sobrang swerte ka na kasi. sa pag audition palang sa MOA Arena ang hirap na because of Level 1-3 bago nakapasok ka parin sa blinds. 3 chair turner ka pa! And nakuha ka pa sa battles! Blessings na yun! And ang dami pang opportunity na makukuha mo. Nakapag perform ka na nga sa Showtime at ASAP eh! Amiranians/Amiratics are still proud of you!”

Sabi naman ni Sherwin Amparo, “Keep your dreams alive inside.. Don’t stop until you get there.. today is not the end of ur dreams, but a start of greater things… God bless.”

Ayon kay Janine Cabacungan Galiza, “Hello Amira. Thank you for sharing us your talent. Napakabait mong bata. Gusto ko yung sportsmanship na pinakita mo. Don’t worry dear kasi simula pa palang yan ng journey mo. Wag kang tumigil sa pagkanta kasi susubaybayan pa rin kita. P.S. Thank you also kasi ang ganda ng pagkakaawit mo ng Keep Holding On. Favorite song ko kasi eh. Anyway, God bless you Amira. Just keep holding on. We, your fans, love you.”

Si Amira habang umaawit sa ASAP.

Samantala, kaninang tanghali lamang ay nag-guest pa ng live si Amira sa ASAP kasama ang ilang kalahok ng TVK. Kasama nila si Yeng Constantino sa pagkanta ng awit nitong Pangarap Lang. Bago pa ito ay nakapag-guest din siya sa 101.9 radio station at It’s Showtime!

Sinubaybayan naman hindi lamang ng mga taga-Naic kundi maging ng iba pang tagahanga ni Amira ang kanyang laban sa TVK mula sa blind audition pa lamang. Noong Agosto 1 ay iniere ng ABS-CBN ang battle round ng TVK kung saan nakalaban ni Amira ang dalawang kasama sa Team Sarah na sina Andrew Patuastic at Owen Gonzaga. Kinanta nila ang Keep Holding On.

Hulyo 12 naman nang iere ang pagkakapanalo ni Amira sa blind audition ng TVK. Matatandaang sa bersyon ni Amira ng kantang Wrecking Ball noon ay agad na umikot ng upuan si Bamboo na saglit pa ay halos sabay na sinundan nina Sarah Geronimo at Leah Salonga. Pinuri ng mga hurado ang lalim at maturity ni Amira sa pagkanta.

Kinilala rin ng Naic ang karangalang hatid at galing ni Amira sa first-Monday flag raising ceremony ng bayan nitong unang Lunes ng Agosto. Isang plake ang iginawad kay Amira ng pamahalaang lokal. Sa harap ng bayan ay sunud-sunod niyang kinanta ang Adore You, Wrecking Ball, at If I Sing You a Love Song.

Laman din si Amira ng Facebook dahil sa kabi-kabilang larawan ng kanyang mga fans, lalo na sa Naic, na ipinopost kasama siya.

Si Amira ay 13 anyos mula sa Labac at kasalukuyang Grade 7 student ng Cavite State University Naic.

One thought on “Amira on The Voice Kids experience: “Everything happens for a reason”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s