The double-headed carabao of Naic

Mula dekada ’70 hanggang ’90 ay naging palatandaan na ng Naic ang rebulto ng kalabaw na may dalawang ulo sa plaza nito. Hanggang sa pagbabalik ng kalabaw na may dalawang ulo sa ibayo ay kaakibat nito ang maraming katanungan. Sa kauna-unahang pagkakataon, tinangka ng Naic Cavite Online (NCO) na kapanayamin ang ilang taong makapagbibigay kasagutan sa mga tanong ukol sa kung bakit may kalabaw na dalawa ang ulo sa bayan.

Ang orihinal na kalabaw na may dalawang ulo

Si Pauline Lopez bilang ang Bagong Lipunan, kasama ang kalabaw na may dalawang ulo, simbolo ng mga rebelde at binagong mamamayan noong Batas Militar. Ang larawan ay mula sa pamilya Lopez.

Kaugnay ng inihayag na batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay ang pagpapairal ng Bagong Lipunan sa buong bansa. Dekada ’70 nang isang Labor Day parade ang idinaos sa Naic. Muse noon ng Naic District I si Pauline Lopez.

Ayon sa malapit na kaanak ni Pauline, ang school dentist noon na si Dr. Jose Lopez ang nakaisip ng tema para sa karosa ng paparadang anak. Si Pauline ang siyang kakatawan sa Bagong Lipunan, at isang kalabaw na may dalawang ulo ang kakatawan sa dalawang uri ng mga mamamayan noon: ang mga rebeldeng simbolo ng nakataas na ulo ng tamarraw, at ang mga nareporma ng bagong lipunan na simbolo ng nakababang ulo ng karaniwang panakang kalabaw. Kung susuriin ang orihinal na rebulto, magkaiba ang ulo at mga sungay nito: tamarraw na ligaw na kalabaw sa Pilipinas ang nakataas, habang panakang kalabaw o domesticated naman ang isa pa.

Noong mga panahong iyon ay nagtatrabaho sa Luneta ang isa pang anak ni Dr. Lopez, si George. Nagtatrabaho siya noon Kay Doroy Valencia, ang tagapangasiwa ng Luneta. Sa isang iskultor doon ay ipinagawa ang rebulto ng kalabaw. Ayon kay George, ang iskultor ay si Joey Mendoza na siya ring gumawa ng mga rebulto ng kalabaw at tamarraw sa harap ng monumento ni Rizal sa Luneta; pati na ng monumento ni Tandang Sora sa Paseo de Roxas.

Ang kalabaw na matatagpuan sa Luneta. Sinasabing iisa ang gumawa ng kalabaw na ito at ng orihinal na kalabaw sa Naic.

Pagkatapos ng parada, ipinagkatiwala na umano ni Dr. Lopez ang kalabaw bilang gayak sa liwasan. Sa humigit-kumulang 20 taon na pagkakalagay ng kalabaw sa entablado ng plaza, naging bukas ito kaninuman. Karaniwan itong naging lugar-laruan ng mga bata na naging dahilan upang unti-unti at tuluyang mabasag ang mga tenga, sungay, buntot, paa at iba pang bahagi ng kalabaw.

Kasabay ng ilang pagawain sa plaza ng Naic noong dekada ’90, inalis na ng pamahalaang lokal ang kalabaw sa liwasan. Ibinalik ito sa pamilya Lopez na basag na ang maraming bahagi. Sa patuloy na paghuna ng rebulto, ibinaon na lamang ito ng mga Lopez ilang taon pa lamang ang nakalilipas.

Katuwang ng NCO si G. Elvie Suzara sa pagbuo ng sulating ito.

Alaala ng kalabaw na may dalawang ulo

Bagaman inalis na ang kalabaw na may dalawang ulo sa plaza, hindi pa rin ito nawala sa kamalayan ng maraming taga-Naic. Sa pagsigla ng internet nitong nagdaang mga taon, nagsulputan ang mga larawan at alaala ng maraming taga-Naic tungkol sa kalabaw na may dalawang ulo.

Noong 2012, magkakasunod na ipinost ng mga fanpage na Taga-Naic Cavite Kami at NCO ang ilang lumang larawan na kuha sa orihinal na kalabaw. Kasunod nito ay ang mga like, share at comment ukol sa alaala ng mga taga-Naic:

Ned Peliña Nazareno: lahat yata ng bata sa naic dati nakasakay sa kalabaw na yan ((=

Marian Scarlet Nazareno Cuartero: Those were the days when Naic was so child-friendly, lots of trees and open spaces. Haaay, if only we could turn back the clock. Nostalgia blues. Huhuhu.

Edison Cayas Olfato: sa naic lang kau makakakita ng kalabaw ng dalawa ang ulo…hehehehe….

Wil Punzalan: ala alako tuloy pag labasan na sa hapon laro muna jan sa plaza nag aakyat sa kalabaw para sumakay panahon ng mga kaliliitan

Magirotlini Serrot: naalala ko to gusto ko lagi sumakay dito nun bata pa ako basta pag pumunta kami ng bayan gusto ko dito kagad pumunta hahaha…

Ronnie Salavaria Yan: ang kalabaw na hinahanap ng lolo ko! Mula ng umalis sya ng naic at nag punta ng GUAM pag balik nya sa pinas jan sa naic wala na ang kalabaw na yan… (pero na mis ko nga yang kalabaw na yan hihihi) Jan kami umuupo ng kadate ko habang may party sa plaza hihihi…miss you Naic!

Joie Catubo Santos: tandang tanda ko yan…jan na hulog ang ate ko…sinungay..ahahhahah

Dennis Ballos Golocino: tanda ku pa grade 3 aku s central skul..hehe..lagi kami dyan ng mga classmate ku..dalawa ulo nsa centro at ang dalawa nman ai nsa bandang kanan at kaliwa..ung basketball court dati pang may bagd sa likd ng plaza..sarap balikan..

Kasabay rin ng mga pagbabalik-tanaw ay ang pagkabuhay mula noon ng mga hiling at panawagang ibalik sa publiko ang kalabaw na may dalawang ulo:

Edna Regondola: Sana maibalik ang kalabaw na yan sa plaza. Only in Naic yata meron nyan.

Dess Bituin Api Mendoza: pwede p ky mrestore un kalabaw?

Josephaaron Dela Cuesta Tolentino: sana ibalik ulit un kalabaw n un

Rosita Sustal: ohhhh sign up pr ibalik ang kalabao n 2 ulo ^…^ i i like 2

Marina Dela Cruz: Ibalik ang kalabaw— sa plaza—

Guillermo Hebanada: san ibalik uli sa plaza ang kalabaw na 2 ulo…

Siony Balmeo Monzon: nsan na ky yan?dapat ibalik kc.wala ng nkikitang kalabaw ang bata ngayun

Rezare Poblete Lailanie: Sna ibalik kc un ang platandaan ng mga kaibigan q pag npunta cla smin d2 s naic. Sv nga nla bkit d n nila un nqqta ngaun.

Emelita Aguilar Gabayno: baka pwede ibalik na yan..

Ang bagong kalabaw na may dalawang ulo

Kaugnay ng mga panawagan, pati na rin ng layong pasiglahin pa ang turismo at pagkakakilanlan ng Naic, muling ibinalik ng pamahalaang lokal ang kalabaw na may dalawang ulo.

Mula sa orihinal na kinalagyan ng kalabaw sa entablado ng plaza, iniligay ang bagong kalabaw ngayon sa harap ng itinatayong tanggapan ng Turismo sa may gasolinahan ng Petron sa Ibayo Silangan. Ayon pa sa Facebook post ng pamahalaang lokal, “Ang istatwa ng kalabaw na may dalawang ulo na kinalakihan po ng ating mga lolo’t lola at magulang ay muli na po nating makikita.”

Ang bagong pagawang rebulto ng kalabaw na may dalawang ulo. Proyekto ito ng pamahalaang lokal at inilagak sa itinatayong tanggapan ng Turismo sa ibayo. Mula ito sa Facebook post ng pamahalaang lokal.

Ang rebulto ay ipinagawa ng pamahalaang lokal sa Capipisa sa Tanza. Dinala ito at inilagak sa ibayo noong ika-30 ng Setyembre.

Bumuhos naman ang reaksyon ng bayan sa internet sa pagbabalik na ito ng kalabaw. Ayon sa kanila:

Christine Valuz Caturay: Yeheeee balik na uli

Emmie Arenas Estacion: Very nice! Iyan ang hinahanap ko non sa plaza

Ramm Guzon: Buti nmn..yn sgisag ng NAIC. Mgnda at naitayo ulit! Galing ah

Beverly Cuyno Lobos: Wowwww……galing nmn…atleast hindi n sya kwento n lng ngayon…yeyyzzzz SALAMAT PO….

Sjoyd 雪莉: Wow ang galing. Nkktuwa po at ngbalik na cla

Lorelyn Perera: Memories yan sa plaza ng Naic .salama

Con-con Manuyag Giron: Ang galing naman balik gunita ang dalawang ulo ng kalabaw…

Jay Cayas: Natupad din ang hiling q n ibalik toh!

Cath Kate Lian: Galing nman…mkikita nrin yan ng mga anak ko.. Yan din ang plgi q tinitingnan nung bta ppo ako s my plaza..ngyon cla nmn mkakita nyan..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s