Miss Gay Naic 2015 showcases ‘beki’ Naicquenos’ talents

Disyembre 28, 2015 (Lunes). Nasa labingwalong baklang taga-Naic ang natagisan ng ganda at talino para sa titulong Miss Gay Naic 2015.

12459909_1085212724852704_613723433_n

Sa loob ng may limang oras, mula ika-9 nang gabi, Disyembre 23, ipinamalas ng mga baklang taga-Naic ang kanilang ganda sa iba’t ibang kasuotan gaya ng swim wear at long gown. Nagpakita rin ng husay ang mga kalahok sa talent portion at question and answer portion.

Mula 18, nabawasan ang mga kalahok nang piliin na ang Top 10 contestants. Sa question and answer portion, uminog ang iba’t ibang tanong sa mga paksa tungkol sa pagiging homosekswal. Ayon sa isang kalahok, siya ang dapat tanghaling Miss Gay Naic sapagkat mabuti siyang tao. Ang halaga naman ng pagkatao ang tinalakay ng isang kalahok nang sabihin niyang ang paggalang sa kanyang sarili ang nagbibigay halaga sa kanyang pagkatao. Ipinaliwanag naman ng isang kalahok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng patimpalak gaya ng Miss Gay Naic. Ayon sa kanya, ito ay pagdiriwang ng talento; at ang pagdiriwang ng talento ay walang pinipiling kasarian. Pagtanggap naman ang sinasabi ng isa pang kalahok na kailangang matutunan ng lipunan tungkol sa mga bakla. Nang tanungin naman kung may gustong baguhin sa sarili ang isang kalahok, sinabi niyang ang kaniyang kasarian ang nais niyang mapalitan—mula sa pagiging katawang lalaki, tungo sa pagiging katawang babae.

Mula sa 10, nabawasan muli ang mga kalahok nang piliin na ang Top 6. Inihalintulad pa sa tagpo ng Miss Universe 2015 ang sandaling lima lamang ang natawag gayong anim pala ang kailangang matirang kalahok. Nakababa na sa entablado ang mga hindi napili nang tawagin ang ika-anim na kalahok at sinabihan ng emcee na “na-Colombia” ang ika-anim na kalahok.

Muling nagkaroon ng question and answer portion sa mga naiwan. Maugong ang reaksyon mula sa mga manonood nang tanungin ang isang kalahok ukol sa pinakamalaking kasalanan niya. Ito ay nang sabihin niyang pinakamalaking kasalanan niya ay ang maging bakla. Nilinaw pa ng isang hurado kung naniniwala ang kalahok na kasalanan ang pagiging bakla. Ayon sa ilang manonood, hindi dapat sabihing kasalanan ang maging bakla gayong ito ay bahagi ng kalikasan at matatagpuan sa iba’t ibang anyo ng nilalang.

Sa huli, itinanghal ang kalahok bilang 18, may Facebook Name na Alliah Shane Sustal. Sa kanyang pagsagot sa tanong sa kanya, sinabi niyang maipagmamalaki niya ang pakikisama sa kapwa, na dagdag niya’y siyang “bumubuhay sa industriya” ng mga bakla.

Isinalin ni Miss Gay Naic 2013 ang korona sa bagong Miss Gay. Kapuna-puna naman ang iba’t ibang uri ng baklang nanood at nagbigay suporta sa Miss Gay Naic 2015.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s