How Naic voted during the 2016 elections

Mayo 30, 2016 (Lunes). Sa pagkakaproklama ngayong araw kina Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidente ng Pilipinas, at kay Camarines Sur Representative Leni Robredo bilang bise president, tunghayan kung papaano bumoto ang mga taga-Naic kumpara sa kabuuan ng bansa nitong Mayo 9.

e02

Tagpo ng mga naghahanap ng polling precincts sa Bancaan nitong 2016 elections.

 

Batay ang pagtalakay na ito sa Comelec-GMA Mirror Server kung saan sa kabuuang 99 na election returns, 45,546 na taga-Naic ang bumoto mula sa rehistradong 63,044.

Sa mga bumotong taga-Naic, 38% ang bumoto para sa nanalong si Duterte. Gaya sa buong kapuluan, nanguna rin si Duterte sa Naic sa botong 17,614. Sinundan siya nina Senator Grace Poe (12,017 votes), Vice President Jojo Binay (8,867 votes), Secretary Mar Roxas (5,180 votes), Senator Miriam Defensor-Santiago (1,663), at Roy Seneres (19 votes). Iba ito sa pagkakasunud-sunod ng halalang pambansa kung saan pumangalawa kay Duterte si Roxas, na sinundan nina Poe, Binay, Santiago, at Seneres.

e03

Tagpo ng mga nakapilang botante sa Naic Elementary School.

Malayo naman ang agwat sa Naic ng kalabang si Senator Bongbong Marcos mula sa nagwaging si Robredo. Nakakuha si Marcos sa Naic ng botong 20,077 habang si Robredo ay nasa 9,416. Sinundan sila nina Senator Chiz Edcudero (8,562 votes), Senator Alan Peter Cayetano (4,203 votes), Senator Gringo Honasan (987 votes) at Senator Antonio Trillanes IV (916 votes). Sa halalang pambansa, may ilang daang libong boto na lamang si Robredo kay Marcos, na sinundan nina Cayetano, Escudero, Trillanes, at Honasan.

 

Maituturing namang landslide ang pagkapanalo ni Boying Remulla sa Naic sa botong 35,516. Malayo ito sa mga nakuhang boto ng mga kalabang sina Obet Borral (439 votes), Bong Ber Ado (407 votes), at Richard Balanzag (324 votes). Ganito rin ang tagpo sa buong lalawigan kung saan lumamang si governor-elect Remulla ng mahigit isang milyong boto sa kanyang mga kalaban.

Tugma rin ang ibang panlalawigang resulta sa kung papaano bumoto ang mga taga-Naic. Panalo sa Naic at sa Cavite si Ramon Jolo Revilla III bilang bise gobernador, Rainier Ambion at Reinalyne Vidallon-Varias bilang mga bokal sa ikapitong distrito ng Cavite, at si Bambol Tolentino bilang kinatawan ng distrito sa Kongreso.

e01

Si Vice Mayor-elect Roger Pangilinan (itaas) habang nagpapasalamat sa mga sumuporta; at ang mga kandidato ng Team Unity ni Mayor Dualan habang iprinoproklama (ibaba).

Ang walang kalabang si Mayor Junio Dualan, humakot pa rin ng boto sa bilang na 34,625. Tinalo naman ni Roger Pangilinan (19,936 votes) ang kasalukuyang bise alkalde na si Rodrigo Castillo (18,893 votes), pati na ang isa pang tumakbong si Konsehal Joy Unas (4,757 votes).

 

 

Pasok sa mga nanalong konsehal ng bayan sina Toboy Loyola (28,433 votes), SJ Nazareno (27,663 votes), Pia Poblete (25,068 votes), Anita Carta (23,960 votes), Maximo Dagasdas (23,620 votes), Doc Villar (22,719 votes), Nikko Pagdanganan (21,485 votes) at Ding Wakay (21,417 votes). Hindi pinalad makapasok sa konseho sina Romulo Buenaflor (18,101 votes), Gerald Sugue (12,991 votes), at Rollie Jan Hinahon (10,601 votes). Bagaman umurong na sa eleksyon, may tinanggap pa ring boto sina Napoleon Nazareno V (9,668 votes), at Erwin Cuartero (3,490 votes).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s