Naic part of nationwide senior high implementation

Hunyo 13, 2016 (Lunes). Senior High School. Nagbalik-eskwela na ang libu-libong mag-aaral sa Naic para sa elementarya at sekundarya.

ups

Kumpara sa mga nakararaang taong panuruan, naiiba ang taong ito sapagkat tumuntong na sa unang pagkakataon ang mga estudyante sa senior high school bilang Grade 11. Bahagi ito ng pagpapatupad ng Kinder to Grade 12 Program o K-12 ng Department of Education (DepEd), o ang pagdadagdag ng dalawang taon sa basic education ng bansa.

Matapos ang ilang taong paghahanda, nagbukas ng senior high school ang ilang paaralan sa Naic. Sa listahan ng DepEd, matutunghayan ang mga pampubliko at pribado, at mga sekundarya at tersaryang napahintulutang magturo ng Grade 11. Kabilang dito ang:

  • Abeniano Delos Santos Academy, Inc. o ADSAI na matuturo ng General Academic Strand (GAS), at Technical-Vocational-Livelihood Specialization (TVL) sa Computer Hardware Servicing at Contact Center Services;
  • Cavite Community Academy o CCA na magtuturo ng TVL sa Computer Programming at Computer Hardware Servicing;
  • Colegio De Montessori (Naic Kiddie Montessori Learning Center) na magtuturo ng GAS;
  • Colegio de Naic na magtuturo ng Accountancy, Business and Management Strand (ABM) at GAS;
  • Grandby College of Science and Technology na magtuturo ng Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand (STEM), ABM, Humanities and Social Sciences Strand (HUMSS), GAS, at mga TVL sa Front Office Services, Travel Services, Local Guiding Services, Tourism Promotion Services, Cookery, Bread and Pastry Production, Food and Beverage Services, CHS, Illustration, Technical Drafting, Animation at Computer Programming;
  • Immaculate Conception School of Naic, Inc. o ICS na magtuturo ng ABM at GAS;
  • King’s Way Christian Academe, Inc. na magtuturo ng GAS;
  • La Vlaize Integrated High School na magtuturo ng STEM, ABM at TVL sa Computer Programming;
  • Naic National High School na magtuturo ng GAS at TVL na may National Certificate II sa Bread and Pastry Production, Food and Beverage Services, Cookery, Horticulture, Housekeeping, Tourism Promotion Services, Travel Services, at Attractions and Theme Parks;
  • The Valley Cathedral Academy, Inc. na magtuturo ng TVL sa Shielded Metal Arc Welding, Dressmaking, Tailoring, at Computer Hardware Servicing; at
  • Western Colleges, Inc. na magtuturo ng STEM, ABM, GAS at TVL sa Beauty/Nail Care; Hairdressing, Food and Beverage Services, Bread and Pastry Production, Housekeeping, Tour Guiding Services; Travel Services, Wellness Massage, Electrical Installation and Maintenance, Carpentry, Plumbing, Masonry and Tile Setting.

Habang karamihan sa mga nabanggit na espesyalisasyon ay mula sa TVL, ang iba namang nabanggit gaya ng GAS, ABM, STEM, at HUMSS ay mula naman sa Academic Track Specializations. Bukod sa TVL at Academic Track, itinuturing ding pangunahing track sa K-12 Program ang Sports, at Arts & Design. Ang mga track na ito ay ang pinipiling espesyalisasyon ng isang estudyante sa senior high school, bukod pa sa walong learning areas na bahagi ng K-12 core curriculum.

Ayon sa DepEd, ang pagpili ng isang estudyante para sa kanyang espesyalisasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng “assessments to determine their strengths and interests.” Ayon pa sa kagawaran, “these will include an aptitude test, a career assessment exam, and an occupational interest inventory for high schools. Career advocacy activities will also be conducted to help guide students in choosing their specialization or track.” Kaugnay nito, “Specializations or tracks to be offered will be distributed according to the resources available in the area, the needs and interests of most students, and the opportunities and demands of the community.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s