Naic celebrates Teacher’s Day

Oktubre 5, 2016 (Miyerkules). Teacher’s Day. Kaisa ang Naic sa pagdiriwang ng bansa at ng buong mundo ngayong araw ng bawat guro. Tema ng pambansang pagdiriwang ngayong taon, “Guro, Kabalikat sa Pagbabago.”

Gaya sa iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan sa Naic, nagdiwang ngayong Teacher’s Day ang Cavite State University (CvSU) Naic. Pinangunahan ng Teacher Education Department ng CvSU Naic ang mga pagdiriwang nitong buong araw na nagdaan. Ang CvSU Naic ay may mga kursong Bachelor of Elementary Education at Bachelor of Secondary Education, at nagtuturo rin sa mga nais kumuha ng yunit sa edukasyon para sa Teaching Certificate Program.

Nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak sa CvSU Naic gaya ng paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo, pagtuturo, at tagisan ng talino sa iba’t ibang salik ng edukasyon. Tampok sa pagdiriwang ng CvSU Naic ang pagbati ng mga dati nitong mag-aaral na nagtuturo na rin ngayon sa iba’t ibang eskwelahan, hindi lang sa Naic kundi pati sa ibang lugar. Tunghayan ang bahagi ng mga mensahe ng ilan sa kanila:

Jason Dimaisip (nagtapos sa CvSU Naic noong 2010): “We are here because there are so much love and passion in our hearts; continue to pour that love to the world.” Nagtuturo ngayon si Jason sa International School for Children.

Margareth Mary Angue (2009): “The best decision I made is to decide to be an educator. Not only does it give me the wheel in molding the future of the world, but I get to be a mom over and over again without the pain of childbirth.” Nagtuturo ngayon si Margareth sa Manggahan Elementary School.

Carilen Morallos (2015): “Teachers are the silent warriors who make the world a better place. Keep on dreaming, keep on pursuing your dream to become a teacher.” Nagtuturo ngayon si Carilen sa Halang Elementary School.

Sunshine Salvador (2013): “Para sa mga magiging guro pa lamang, ihanda ang sarili sa isang laban na walang dahas na gagamitin. Ang tanging sandata ninyo ay ang inyong galing at talino dahilang kalaban ninyo ay kamangmangan. P.S.Huwag maniniwalang nakakatandang dalaga ang pagtuturo dahil may forever!” Nagtuturo ngayon si Sunshine sa David P. Jimenez Elementary School.

Jet Abad-Joya (2011): “Hindi madali ang tinatahak nating landas pero dahil sa kagustuhan nating magabayan ang mga bata kahit anong hirap kakayanin natin. Sana ipagpatuloy nyo ang magandang hangarin na yan.”

14555831_1168901356538096_267533271_n

Matutunghayan ang isang tagpo sa CvSU Naic habang nagtuturo ang isang mag-aaral ng Edukasyon para sa timpalak sa pagtuturo. Bahagi ito ng mga pagdiriwang sa paaralan ng Teacher’s Day.

Cherry Pangilinan-Alamo (2014): “Mga kapwa ko nangangarap na maging guro, kaysarap magturo kung ito’y isasapuso; patuloy na mangarap di lamang sa sarili kundi sa mga batang magiging ating students.”

Jedithvic Araña (2012): “Ang pagiging guro ay parang pagtitinda ng taho, kahit nahihirapan ako, ipagsisigawan ko, yan ang hugot ko.”

Ariel Odango (2011): “Ang payat ko nung nag-aaral dahil walang masyadong budget, ngayon, wala pa ring masyadong budget; pero, binubusog ko sa pagmamahal ang mga pupils ko.”

Mary Grace G. Kawit (2015): “Do not get tired of learning new things and striving hard for your dream. Keep the spirit and follow your passion. God bless us all.”

Errol Beltran  (2013): “Napakasarap ang maging isang guro, yung nakakapagbahagi ka ng mga nalalaman mo, nai-inspire ang mga bata sa mga kwento ng buhay mo. Mahirap man ngunit tiis-tiis lang, pasasan ba at kapag nakita mong naging matagumpay sila, masasabi mong naging bahagi ka ng pag-unlad nila at iyon ang pinakamasarap na bahagi ng pagiging isang guro. Mababa man ang sahod, marami mang trabaho, ngunit alam mo sa kabila nito ang pagbabago ay nasa sa iyo.”

Nagbigay rin ng mensahe ang retiradong guro ng CvSU Naic na si Gng. Mila B. Panganiban. Nagturo siya ng Matematika sa loob ng 40 taon, mula 1973 hanggang 2013. Ayon sa kanya, “Hello my dear former students. Kumusta na kayo? Long time no see for almost 3 years. I miss you all. Sana pagbutihin pa ang pag-aaral. Hindi ka tatanda kasi laging ang kasalamuha ay bata. At kapag retired na kagaya ko, pasyal-pasyal din sa Hongkong Disneyland kapag may time. I miss and love you all.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s